AGAD na masusubukan ang Barangay Ginebra sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup sa Linggo.
Mismong ang defending champion San Miguel Beer ang naghihintay sa Kings sa kabilang dulo ng court sa unang paghaharap ng dalawang koponan magmula noong Governors’ Cup semifinals, kung saan dinispatsa ng Ginebra ang Beermen sa anim na laro.
At nakahinga nang maluwag si coach Tim Cone na galing ang Kings sa inspiring win kontra Magnolia, 95-92, papasok sa kanilang Jan. 5 showdown sa Beermen sa Araneta Coliseum.
Humabol ang Kings mula sa 22-point deficit upang gulantangin ang Hotshots noong Christmas Day.
“It’s hard when you come into the game and be in a ‘must win, must win.’ That puts a lot of pressure on you,” pagbibigay-diin ni Cone.
“And we’re coming to San Miguel feeling confident and comfortable with our game, we do that, and we usually perform pretty well against them.”
Ang ikalawang sunod na panalo ng Kings ay naglagay sa kanila sa gitna ng standings sa 4-2, dalawang laro ang angat sa Beermen na may 3-3 kartada.
Hindi tulad ng Ginebra, ang San Miguel ay galing sa overtime loss kontra guest team Eastern, 99-91.
Inamin ni Cone na mas maliit ang pressure sa panig ng Ginebra sa pagharap sa San Miguel kasunod ng morale-boosting win.
“It takes a little bit off pressure on us because we remain towards the group on top, because if we lost, we would drop down to the middle or the bottom. So it takes the pressure off us,” aniya.
“But when we come in having to win a must win, it’s really tough against a team as talented as San Miguel.”
Sa kabila nito, hindi ipinagwawalang-bahala ng Kings ang reigning champions.
“Coming off the break, we’ve got San Miguel. So it doesn’t get any easier,” dagdag ni Cone.