MGA kakaibang facemask na may katutubong tema at yari sa organikong materyal ang ibibida ng mga kalahok sa isasagawang ‘face maskquerade’ sa pistang bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro.
Ang mga nasabing face mask ay gawa ng mga magagaling na designer na nagmula sa ibat-ibang bayan sa Oriental Mindoro.
Nabatid na ang mga face mask na ginawa ng designers ay may mga disenyo ng agila at may hugis ng tamaraw, isang hayup na matatagpuan lamang sa Mindoro.
Mayroon din face mask na tila maskara na ginagamit sa Moriones festival, isa rin tradisyon na ginagawa naman sa ilang bayan ng nasabing lalawigan.
Ayon kay Naujan Mayor Mark Marcos, naipapakita ng mga taga- Mindoro lalo na sa panahon ng pandemya ang kanilang husay at galing sa pagiging malikhain upang makabuo ng isang kakaibang face mask na may kakaibang disenyo.
Ibibida ng mga local designer ang kanilang mga kakaibang face mask sa ‘face maskquerade’ na bahagi ng aktibidad sa pistang bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro sa Setyembre 10. RON LOZANO
Comments are closed.