NAMATAY ang isang ginang matapos na malapitang barilin ng isang pulis na dati umanong nakasuntukan ng kanyang anak sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot ang biktimang si Lilibeth Valdez, 52, residente ng Sitio Ruby, Brgy. Greater Fairview dahil sa tama ng bala sa leeg habang todo-tanggi pa sa krimen ang suspek na si PMSgt Henzie Zinampan, na nakatalaga sa Philippine National Police (PNP)-Police Security and Protection Group (PSPG), kahit na ang insidente ay nakuhanan ng video.
Batay sa salaysay ng anak ng biktima na si Beverly Luceño, alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa isang tindahan na malapit sa kanilang tahanan kung saan bumili ng sigarilyo ang biktima at saka tumambay doon.
Maya-maya ay nilapitan umano ng suspek si Valdez na noon ay lasing at kitang-kita sa video na kaagad itong bumunot ng baril mula sa bag, na itinago pa sa kanyang likuran bago lapitan at kausapin ang biktima.
Maririnig pa ang suspek na sinasabi sa biktima na “Sino’ng wala? Pareho tayong lasing di ba?”
Sinagot naman siya ng babae na “Iwasan mo yan”, na sinagot ng suspek na, “Anong iwasan? Anong iwasan? Ngayon na makikita… ha?”
Maya-maya ay inilabas ng suspek ang baril at ikinasa at saka sinabutan ang babae, sabay sabing, “Ngayon na! Dito ka!”
Nagmamakaawa naman ang babae at sinabing “Sir, huwag nyo naman akong saktan!” pero bigla na siyang pinaputukan sa leeg ng suspek na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Mabilis na ring naglakad palayo sa lugar ang suspek at iniwanan na lamang na nakahandusay ang biktima.
Kaagad namang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD)-Fairview Police Station ang suspek at nakuha mula sa kanya ang baril na ginamit sa krimen.
Nang kapanayamin ng media, todo-tanggi pa ang suspek at sinabing hindi niya ginawa ang krimen, kahit na may videong ebidensiya dito.
Ayon kay Beverly, dati nang may alitan ang suspek at ang kanyang kuya dahil nagkasuntukan umano ang mga ito noong Mayo 1 habang pareho silang lasing.
Panawagan pa ni Luceño, sana ay makonsensiya ang biktima at managot ito sa nangyari sa kanyang ina.
Nakapiit na ang suspek sa Camp Karingal at sasampahan ng kasong murder.
Ipinag-utos na rin ni PNP chief PGeneral Guillermo Eleazar kay QCPD Director PBGen Antonio Yarra na pabilisin ang proseso nang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo sa suspek upang kaagad itong matanggal sa serbisyo. EVELYN GARCIA
823309 28845Aw, this was a really nice post. In concept I wish to put in writing like this moreover ?taking time and precise effort to make an outstanding write-up?but what can I say?I procrastinate alot and certainly not appear to get one thing done. 45384
440337 146400whoah this blog is magnificent i love reading your posts. Maintain up the fantastic function! You know, lots of people are searching about for this information, you could support them greatly. 763988