GINANG BINARIL SA HARAP NG PAMANGKIN, KRITIKAL

binaril

MALABON – NASA kritikal na kalagayan ang isang ginang matapos barilin sa ulo ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek sa harap ng kanyang pamangkin kamakalawa ng hapon.

Patuloy na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Sheryl Pineda, 48, ng Block 1 Lot 10 Sitio 6 Brgy. Catmon.

Sa imbestigasyon nina Malabon police homicide investigators P/Cpl. Joenel Claro at P/Cpl. Michael Oben, dakong ala-1:40 ng hapon, paalis na ang biktima kasama ang kanyang pamangkin si Jian Ronquillo sakay ng isang tricycle sa Governor Pascual Avenue, Sitio 6, Brgy, Catmon upang bisitahin ang live-in partner ni Pineda na nakakulong sa Malabon City Jail nang lapitan ang mga ito ng mga suspek na kapwa nakasuot ng itim na jacket at surgi-cal mask.

Isa sa mga suspek ang naglabas ng baril at walang sabi-sabing pinutukan sa ulo ang biktima na inakala naman ng gunman na patay na ito.

Matapos ang insidente, naglakad lang na tumakas sa hindi matukoy na direksyon ang mga suspek habang mabilis namang isinugod ng kanyang pa-mangkin ang biktima sa naturang pagamutan.

Isang basyo ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang narekober ng pulisya sa crime scene habang patuloy naman ang follow-up imbesti-gasyon upang matukoy ang posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek, samantalang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente.  EVELYN GARCIA

Comments are closed.