VALENZUELA CITY – DEAD on arrival sa pagamutan ang isang 54-anyos na ginang matapos mabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada kahapon ng umaga.
Batay sa report na pulisya, ang biktima na binawian ng buhay ay nakilalang si Lourdes Mijares, ng Block 2 Lot 10 Sitio Sulok, Brgy. Ugong ng lungsod.
Hawak naman ng pulisya at nahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng Yamaha Mio Sporty (9981PX) na nakilalang si Elizer Adrian Erin, 23 ng 64 Bagong Sibol St. Purok 4, Mapulang Lupa ng lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:35 ng umaga, tinatahak ng rider ang kahabaan ng Sulok St. (Service Road), Ugong patungong Mindanao Avenue nang mabangga nito ang biktima na tumatawid sa naturang lugar.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima at bumagsak sa simentadong kalsada na mabilis na isinugod sa Pacific Global Medical Center ng rumespondeng tauhan ng Valenzuela Rescue Team, subalit idineklara itong dead on arrival ni Dr. Jacqueline Sioson sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang sumuko naman sa pulisya si Erin. EVELYN GARCIA
Comments are closed.