ILOILO – DAHIL sa lubak-lubak na kalsada, napaanak ang isang ginang na lulan ng tricycle sa bayan ng Barotac Viejo, Iloilo.
Ang ginang na 40-anyos ay residente ng Aripdip, San Rafael.
Ayon sa tricycle driver na si Jun Lumabit na pinsan ng ginang, habang binabaybay nila ang lubak-lubak na daan papunta sa ospital sa bayan ng Barotac Viejo nang bigla na lamang lumabas ang sanggol.
Hinawakan na lamang ng ginang ang kanyang sanggol upang hindi ito mahulog hanggang sa makarating sila sa ospital.
Sa ngayon, nasa ligtas na kalagayan na ang mag-ina.
Dahil sa pangyayari, binigyan pa ng mga nurse ng ospital ng palayaw na “Traysi” ang sanggol dahil isinilang ito sa tricycle. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.