GINANG NATUSTA SA SUNOG, ANAK LIGTAS

sunog

BATAAN – MASAKLAP ang naging kamatayan ng isang ginang na kasamang natusta matapos magliyab ang kanilang ang bahay na yari sa buho at kugon ng ma-trap ito sa Barangay San Simon, Dinalupihan. Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Supt. Eduardo Guevara Jr., nakilala ang biktimang si Mary Rose Layug Magtuloy, 38-anyos, may asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakita na lamang umano ng kanyang mga kapitbahay na naglalagablab at nilalamon ng malakas na apoy ang bahay kubo ng biktima, kung saan ng sasaklolo sana ang mga taga-roon pero mabilis na lumaki ang apoy dahil sa yari ito sa mga luma at light materials na gamit (nipa or kugon). Inabutan na lamang umano ng mga kapitbahay ang anak ng biktima na dalawang taong gulang na nasa labas nang nasusunog na bahay.

Kuwento ng ilang kapitbahay ng biktima, diesel umano ang madalas na gamit na pamparingas nito sa kanilang kalan na posibleng naparami ang buhos dahilan para gumapang ang apoy na mabilis kumalat.

Nagawa pa umanong mailigtas ng biktima nang gisingin ang natutulog na anak pero posibleng inatake ito ng sakit na highblood kaya hindi na nagawang makalabas at nakasamang matusta sa natupok na bahay.

Agad namang rumesponde ang pamatay sunog, pero sadya umanong mabilis ang pangyayari ng sunog kaya tupok na ang bahay nito ng abutan kung saan tumambad ang kalunos-lunos na anyo ng biktima. Iniimbestigahan pa ang nasabing insidente. ROEL TARAYAO

Comments are closed.