GINANG NI-RAPE SLAY, IBINAON SA PUTIK

rape4

LAGUNA – HINDI na halos makilala pa ang buong kaanyuan ng 38-anyos na ginang matapos pagsamantalahan at patayin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sitio Calminue, Brgy. Cansuso, bayan ng Cavinti, Laguna.

Sinasabing doon mismo sa ilog aksidenteng lumutang mula sa pagkakabaon sa putik ang naaagnas na bangkay ng biktimang kinilala ni PCapt. Abe­lardo Arabejo, hepe ng pulisya, na si Feliza Meneses, hiwalay sa asawa.

Matapos ang tatlong araw na paghahanap, natunton umano ito ng kanyang anak na si John Raven, 17-anyos, matapos madiskubre nito ang pinagmulan ng masangsang na amoy sa lugar dakong alas-6:00 kamakalawa ng umaga.

Walang saplot sa kanyang katawan na may palatandaan na ginahasa muna ito bago pinatay at ibinaon sa malalim na putik ng ilog mahigit 30 metro lamang ang layo mula sa kubo na tirahan ng biktima.

Ayon sa resulta ng isinagawang imbestigas­yon ni Jarabejo sa pamilya, lumilitaw na may matagal na umanong problema sa kanyang pag-iisip ang biktima kung saan minarapat nitong doon ito pansamantalang manirahan habang nag-iisa bagaman masukal at nasa itaas pa ng kabundukan ng bayan ng Cavinti.

Dahil dito, nananatili umanong palaisipan sa pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na res­ponsable sa krimen habang patuloy pa rin ang isinasagawa nilang malalimang imbestigasyon sa insidente.

Bakit aniya hinayaan ng pamilya na manirahang nag-iisa sa lugar ang biktima sa kabila ng may problema na umano ito sa kanyang pag-­iisip, dag-dag pa ng pulisya. DICK GARAY

Comments are closed.