GINANG NILIKIDA SA LOOB NG BAHAY

DAVAO DE ORO-PATAY ang isang ginang habang nakaligtas ang kinakasama nito nang pasukin sila ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa bayan ng Nabuntaran.

Dead on the spot si Marevil Gumanit habang nakaligtas ang kinakasama nitong si Aljun Lastimoso.

Sa salaysay ni Lastimoso, patulog na sana sila ni Marevil nang biglang sumalakay ang mga suspek sa kanilang bahay sa Barangay Bukal.

Isa sa mga suspek ang naglabas ng baril at dalawang beses na pinaputukan sa ulo ang biktima.

Sinasabing tinangkang isunod si Lastimoso su­balit nagloko ang baril ng suspek.

Agad nakatakas ang mga suspek patungo sa Barangay Gubatan.

Hinala ng awtoridad na posibleng personal na away o land dispute ang isa msa nakikitang motibo ng mga salarin. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “GINANG NILIKIDA SA LOOB NG BAHAY”

  1. 309769 336878Which is some inspirational stuff. Never knew that opinions may be this varied. Thank you for all the enthusiasm to offer such valuable data here. 646423

Comments are closed.