GINANG TIKLO SA P500K HALAGA NG SHABU

CALOOCAN-SHABU

CALOOCAN CITY – ARESTADO ang 49-anyos na misis na hinihinalang tulak ng droga sa buy bust ope­ration ng mga pulis, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) director Chief Supt. Gregorio Lim ang naaresto na si Mariam Jabibon, 49, ng Lot 61, Block 43, Singkamas St., Brgy. Tumana, Marikina City.

Base sa imbestigas­yon ni PO3 Rodney Dela Roma, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PSI Jefferson Guillermo sa harap ng Puregold sa kahabaan ng Samson Road, Brgy. 76, Caloocan City.

Agad inaresto ng mga operatiba ang suspek matapos iabot ang isang plastic ng shabu kay PO2 Navigar na nagpanggap na buyer kapalit ng P1,000 marked money.

Narekober pa ng mga pulis sa suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinata­yang nasa P500,000 ang market value at P1,000 buy bust money. EVELYN GARCIA