GINANG TIMBOG SA TINAPAY NA MAY DROGA

KALABOSO ang 41- anyos na ginang nang ipalaman nito ang droga sa tinapay ng dumalaw sa kulungan sa Marikina City.

Kinilala ni Col. Benliner Capili, hepe ng pulisya ang nadakip na si Anne Aldana y Pujol, nasa hustong gulang.

Ayon sa record ng awtoridad, dakong alas-2 ng hapon kamakalawa ay dinalaw ng ginang ang kanyang “common law husband” sa detention cell ng Marikina PNP.

Dala ang ilang buns bilang pasalubong at nilagyan ng palaman na shabu ngunit nabuking ito ng jailer.

Nakumpiska sa ginang ang 1 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P6,800.00.

Lumilitaw na ibinebenta ito ng ginang sa ilang parokyanong inmate sa loob.

Kasong article ll section 11 ng RA9165 o dangerous drug act of 2002 ang kinakaharap ng suspek.
ELMA MORALES