GINEBRA FANS ABOT TAINGA ANG NGITI NGAYON

on the spot- pilipino mirror

ABOT tainga ang ngiti ngayon ng fans ng Barangay Ginebra makaraang makapasok ang kanilang paboritong team sa semifinals.

Tinalo ng Ging Kings ang TNT Tropang Giga ng dalawang beses sa quarterfinals.

Ilang beses na itong ginawa  ni coach Tim Cone sa Tropang Giga — ang balewalain ang twice-to-beat advantage ng Tropang Giga kaya masakit ito para sa MVP Group.

Pero huwag papakasiguro ang Barangay Ginebra dahil isa pang koponan sa MVP group ang kanilang makakasagupa — ang NLEX Road Warriors.

Tinalo ng tropa ni coach Yeng Guiao sa elimination round ang kampo ni coach Cone. Ibig sabihin, dadaan pa rin sa butas ng karayom ang Gin Kings bago makapasok sa finals.

Magandang laban ito dahil kakaibamg team ang makakaharap ng Ginebra.. Panibagong pagsubok din ito para kay coach Cone at sa kanyang tropa.



Malaking bagay sa  Ginebra ang pagdating ni John Pinto na siyang kumamada sa laban nila kontra TNT Tropang Giga. Kaya naman matindi ang natanggap nitong  bonus kay SMC  Sports Director Alfrancis Chua. Sana nga raw ay tuloy- tuloy na ang magandang ipinakikita ni Pinto sa Gin Kings para makatikim siya ng kampeonato.

Samantala, sa pagpasok sa semifinals ng Gin Kings ay balik na sa hard court si Aljon Mariano. Ilang buwan din  naman itong  nawala dahil sa injury. Bagaman may kaunti pa itong iniindamg sakit sa ankle ay kaya naman daw niya ito.



Kabi-kabila ang mga basketball league ngayon sa bansa. Grabe, hindi na alam ng ating mga kababayan kung ano ang kanilang  panonoorin.

Nagsimula na ang Pilipinas Super Liga kung saan si Marc Pingris ang commissioner dito, habamg ang Filbasket ay isang professional basketball league din. Mayroon pang VisMin league at NBL. Magbubukas na rin ang NCAA at UAAP. Kaya saan ka pa?  Mahal ng sambayanang Pilipno ang basletball. Lahit ng basletball league ay may kanya- kanya namang  supporters. Giod luck sa inyong lahat.



Sa huling laro ng Alaska kontra NLEX ay namaalam na sila nang tuluyan Tinalo sila ng Road Warriors. Nakakaiyak dahil huling laro na nila sa PBA pagkatapos ng 35 years sa liga.

Malakas ang usap-usapan na ang Converge ang bibili sa team ni Mr Fred Uytengsu.