GINEBRA, MERALCO AGAWAN SA 3-2

UMISKOR sj Stanley Pringle sa kanilang laro kontra Meralco sa Game 4 ng PBA Philippine Cup semis series nitong Biyernes sa Mall of Asia Arena. PBA PHOTO

TARGET ng  Barangay Ginebra na masundan ang 19-point blowout sa Meralco sa pagbabalik ng Game 5 ng PBA Philippine Cup semifinals sa  Mall of Asia Arena ngayong Linggo.

Naitabla ng Kings ang best-of-seven series sa 2-2 kasunod ng  90-71 panalo kontra  Bolts sa Game 4 kung saan ibinalik ni  coach Tim Cone sina veteran guards LA Tenorio at Stanley Pringle sa  starting unit.

Inaasahan ni Cone na magiging mahigpit ang laban ng dalawang koponan dahil ang serye ay natapyas na sa  best-of-three.

“That is going to be a pivotal game obviously at this point. Now a best-of-three, that’s going to be a really pivotal game. That’s what makes series so exciting.”

Nagtala sina Tenorio at Pringle ng pinagsamang  21 points, 7 rebounds, at 6 assists kung saan pinalitan nila sina  Maverick Ahanmisi at  rookie Ralph Cu sa starting unit sa isang major adjustment na ginawa ni Cone makaraang maharap ang Kings sa 1-2 deficit sa serye.

“We were just looking more for a veteran presence in terms of trying to get…you know LA knows our execution like the back of his hands. He understands it, he knows how to get people into spots, he knows where their strengths are. And that’s something we need (in Game 4) because we’re struggling with our offense.

“On the part of Stanley, we know he gives us another scorer out there and also a veteran presence.”

Pumutok din si Japeth Aguilar sa laro na may 21 points at 6 rebounds, habang kumana si while fellow big Christian Standhardinger ng all-around game na 15 points, 11 rebounds, at 8  assists.

Naghabol ang Meralco ng hanggang 27 points at nalimitahan sa 32 percent shooting mula sa field (23-of-70).

Tumapos sina Allein Maliksi at  Chris Banchero na may tig-14 points upang pangunahan ang Bolts sa  most one-sided game ng serye sa kasalukuyan.

CLYDE MARIANO