Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. – Ginebra vs TNT
SUMANDAL ang Barangay Ginebra sa mainit na simula ni import Justin Brownlee upang maitarak ang 102-90 panalo kontra TNT sa Game 1 ng PBA Governors’ Cup finals kagabi sa Araneta Coliseum.
Naitala ni Brownlee ang 17 sa kanyang 31 points sa first quarter na naging tuntungan upang makauna ang Gin Kings sa best-of-seven series.
Ang Ginebra ay nagtatangka sa kanilang ika-5 Governors’ Cup crown sa huling anim na edisyon nito.
Ang three-time Best Import ay kumamada ng 5-of-5 mula sa three-point area sa first period para bigyan ang Gin Kings ng 29-20 kalamangan.
Nakakuha si Brownlee ng suporta mula sa mga local, sa pangunguna ni reigning MVP Scottie Thompson na naitala ang kanyang ikalawang triple-double sa torneo, na may 10 points, 13 rebounds, at 11 assists. Nagsalansan naman si Jamie Malonzo ng 21 points, 8 rebounds, at 4 assists.
Nagpakawala si Malonzo ng 8 points sa last quarter, pawang sa 16-7 burst na nagselyo sa panalo ngGinebra.
Naghahabol pa rin ang Tropang Giga ng single digits sa kaagahan ng fourth quarter, 67-76, subalit lumaki pa ito makaraang ma-foul out si big man Poy Erram.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Barangay Ginebra (102) – Brownlee 31, Malonzo 21, Standhardinger 16, Pringle 11, Thompson 10, Gray 6, Mariano 5, Pinto 2, David 0.
TNT (90) – Hollis-Jefferson 30, M. Williams 23, Oftana 16, Castro 4, Erram 4, Chua 3, Khobuntin 2, Montalbo 2, Ganuelas-Rosser 0, Varilla 0.
QS: 29-20, 50-43, 74-62, 102-90.