Laro sa Miyerkoles:
6 p.m. – Ginebra
vs TNT
NAKAUNA ang Barangay Ginebra sa kanilang best-of-seven PBA Philippine Cup Finals series laban sa TNT Tropang Giga matapos ang 100-94 overtime win sa Game 1 kagabi sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.
Isang layup ni Arvin Tolentino ang naghatid sa laro sa overtime.
Naging mas matikas ang Gin Kings sa extra period, kung saan umiskor sina Stanley Pringle at Japeth Aguilar upang bigyan ang Gin Kings ng apat na puntos na kalamangan.
Sa kabilang dulo ay kumulapso ang opensa ng TNT kung saan sumablay sina Ray Parks at Simon Enciso sa tres.
Nagbuhos si Aguilar ng 25 points at 16 rebounds, habang tumapos si Pringle na may 24 points, 7 rebounds, at 7 assists.
“It’s a hard earned win. We won the game in the extra period. They refused to give up,” sabi ni coach Tim Cone
Nakatakda ang Game 2 sa Miyerkoles sa parehong venue. CLYDE MARIANO
Comments are closed.