GINEBRA SA GAME 1

Mga laro ngayon:
(Sta. Rosa Multi-
Purpose Complex)
5 p.m. – Rain or Shine vs Magnolia
7:30 p.m. – TNT vs NLEX

PINATAOB ng Barangay Ginebra ang Meralco, 99-92, sa Game 1 ng kanilang best-of-five quarterfinals sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagbuhos si Justin Brownlee ng 29 points, 12 rebounds, 7 assists, at 3 steals para sa Gin Kings na kinuha ang maagang kalamangan sa kanilang renewed rivalry sa Bolts.

Nagbigay ng malaking suporta sina Scottie Thompson at Japeth Aguilar, gayundin si rookie RJ Abarrientos, para sa third-seeded Ginebra.

Umabante ang Ginebra ng hanggang 15 points, 66-51, sa third quarter, at nagawa itong protektahan sa gitna ng late charge ng Meralco.

Nakadikit ang Meralco sa 84-83, subalit sumagot ang Ginebra ng 11-2 run, tampok ang tres ni RJ Abarrientos, may 2:51 ang nalalabi sa laro.

“We know that any kind of lead in the series isn’t going to matter much. Any kind of lead we have in the game isn’t going to matter much. Better than be leading than then behind. We are happy to get Game One and get ahead,” sabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone.

Nagdagdag si Scottie Thompson ng 19 points, 5 rebounds, at 5 assists, habang nakalikom si Stephen Holt ng 14 points at 5 rebounds.

Naglaro rin si Joe Devance makaraang magbalik mula sa pagreretiro. Umiskor siya ng dalawang puntos sa anim na minuto at 19 segundong paglalaro.

Nagtala si Cliff Hodge ng 23 points at 5 rebounds, habang umiskor sina Chris Newsome ng 20 points, at Allen Durham ng 17 points at 13 rebounds para sa Bolts.

Nakatakda ang Game 2 sa Sabado sa Araneta Coliseum. CLYDE MARIANO

Iskor:
Barangay Ginebra (99) – Brownlee 29, Thompson 19, Holt 14, J. Aguilar 10, Cu 9, Ahanmisi 8, Abarrientos 8, Devance 2, R. Aguilar 0.

Meralco (92) – Hodge 23, Newsome 20, Durham 17, Banchero 11, Quinto 10, Caram 6, Almazan 5, Rios 0, Mendoza 0, Bates 0, Cansino 0, Jose 0.

Quarters: 28-24; 53-43; 73-71; 99-92.