GINEBRA WINALIS ANG MERALCO. ABANTE SA SEMIS

Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Rain or Shine vs Magnolia
7:30 p.m. – NLEX vs TNT

NAGPASABOG ang Barangay Ginebra ng outside shots sa fourth quarter upang walisin ang Meralco, 113-106, at umabante sa semifinals ng PBA Governors’ Cup kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Isinalpak ni Justin Brownlee ang dalawang booming four-pointers upang magbida sa paghahabol ng Gin Kings makaraang kunin ng Bolts ang kalamangan na umabot sa 12 sa 78-66.

Pagkatapos ay nag-ambag sina team newbies RJ Abarrientos at Stephen Holt at veterans Maverick Ahanmisi at Scottie Thompson upang makumpleto ang kanilang pagmartsa sa best-of-seven semis laban sa San Miguel Beer o Converge.

“I’m totally shocked that we were able to beat them in three straight games,” pahayag ni Ginebra coach Tim Cone.

“Credit just goes to the guys for really reaching deep. They really locked in in the second half and so it was amazing to see them really reach deep from within themselves to pull this game out,” dagdag pa niya.

Naghahabol ng pito matapos ang tatlo, bumanat si Brownlee and Co. ng decisive 39-25 salvo sa huling 12 minuto upang agawin ang panalo at tapusin ang Bolts.

Nagposte si Brownlee ng 23 points, 3 rebounds at 4 assists sa final game ng kanyang ika-4 na playoff match up sa PBA kay Allen Durham ng Meralco.

Dinaig ni Durham si JB sa larong ito, 38-13, subalit natalo pa rin sa huli sa ika-4 na pagkakataon.
Tinulungan nina Holt (19), Japeth Aguilar (19-8), Abarrientos (17), Ahanmisi (17) at Thompson (17-7) si Brownlee sa hard-earned closeout na ito, na nagbigay sa Gin Kings ng pagkakataon na maiganti ang Game 7 heartbreaker na ipinalasap sa kanila ng Bolts sa Philippine Cup semifinals noong nakaraang season.

“They tore us apart in Game 7 so it’s been a long time coming to come back and have a chance to make up for that, especially for our fans,” aniya.
CLYDE MARIANO

Iskor:
Ginebra (113) – Brownlee 23, Holt 19, J.Aguilar 19, Abarrientos 17, Ahanmisi 17, Thompson 16, Devance 2, Cu 0, R.Aguilar 0, Pessumal 0.

Meralco (106) – Durham 38, Quinto 19, Newsome 14, Banchero 10, Hodge 10, Caram 7, Bates 4, Rios 2, Mendoza 2, Pascual 0.

Quarterscores: 28-27, 47-56, 83-72, 113-106