GINTONG GAWAD AWARDEES SA PSC RISE UP, SHAPE UP

TAMPOK sa PSC Rise Up, Shape Up (PSC-RUSU) ang dalawang  Gintong Gawad 2021 awardees sa magkahiwalay na episode ngayong weekend.

Sa April 2, ang online series ay tatampukan ng lalawigan ng Pangasinan at ng iba’t ibang local sports development initiatives nito na nagbigay sa kanila ng pagkilala bilang “Kaagapay ng Isport sa Komunidad” awardee ng 2021 Gintong Gawad.

Isa sa kilalang sports development projects ng lalawigan ang pagtatayo ngPangasinan Sports Academy, na nagkakaloob ng   training programs para sa maraming  sporting events tulad ng lawn tennis, archery, basketball, at taekwondo para mahubog ang mga atleta na may excellent athletic skills.

Sa April 3, itatampok sa  webisode ang inspiring story ni Kyla Ong Soguilon, isang17-year-old swimming prodigy na pirangalan bilang Gintong Gawad 2021 “Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan”.

Si Soguilon, tubong Kalibo, Aklan, ay isang two-time recipient ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Tony Siddayao Awards noong 2014 at  2015. Mula  2014 hanggang 2017, si Soguilon ay kinilala bilang  Philippine Junior Athlete of the Year at  Milo Junior Athlete of the Year – isang tagumpay na walang ibang junior athlete sa Pilipinas na nakapagkamit.

Binibigyang-halaga ni PSC Commissioner oversight for Women in Sports Celia Kiram ang suporta ng grassroots communities sa pagtulong sa PSC sa bisyon nito na isulong ang sports excellence sa buong bansa at magsanay ng top-performing athletes.

Sa back-to-back webisodes, tatalakayin ni Comm. Kiram ang legal mandates na may kaugnayan sa grassroots at community sports sa kanyang regular segment “K-Isport.”

Ang PSC Rise Up, Shape Up ay isang weekly web series na naka-stream via Facebook at YouTube tuwing Sabado at Linggo, alas-7 ng gabi. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official Facebook page nito sa https://www.facebook.com/riseupshapeup at YouTube page sa  https://www.youtube.com/riseupshapeup.