GIRIAN NG 2 HARI

lion vs pirates

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – SSC-R vs Letran (Men)

2 p.m. – EAC vs Perpetual (Men)

4 p.m. – LPU vs San Beda (Men)

MAGSASALPUKAN ang defending champion San Beda at Lyceum of the Philippines University sa rematch ng dalawang naunang Finals meetings ngayong alas-4 ng hapon sa NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Maaaring nakatuon ang pansin sa Lions-Pirates match-up, subalit may dalawang iba pang laro na dapat tutukan.

Sisikapin ng Letran na makabawi mula sa pagkatalo sa San Beda sa pagharao sa San Sebastian, na maglalaro na wala si suspended coach Egay Macaraya, sa alas-12 ng tanghali.

Hindi rin makakasama ng University of Perpetual Help System Dalta si coach Frankie Lim, na napaulat na naka-leave, sa kanilang laro kontra Emilio Aguinaldo College sa duelo ng struggling teams sa alas-2:00 ng hapon.

Batid ni coach Boyet Fernandez na nakahanda ang kanyang tropa sa mabigat na laban upang mapa­ngalagaan ang kanilang 6-0 record.

“I have high respect for coach Topex (Robinson) and their players like the Marcelino twins (Jaycee and Jayvee). They have (Reymar) Caduyac. Those are the guys we’re gonna prepare hard for the game on Tuesday. It will be a tough one for us again, but hopefully we can continue to bring that defensive mentality today and be consistent about that on Tuesday,” wika ni Fernandez.

Nasa ika-2 puwesto ang LPU na may 6-1 kartada. Ang nakabibilib ay nagawa ng Pirates na makarekober nang husto mula sa shock loss sa kaagahan ng season sa Generals.

Alam ni Robinson na malaking hamon sa kanyang mga bataan ang makaharap ang pinakamatagumpay na men’s basketball program  sa liga.

“It’s a big test for us playing the mighty San Beda. But we are always up to the challenge. I meąn, we will just focus on our team. I know they are coming off their best start as usual. But again, we don’t have control on how they will prepare for us. But we have control on how we can prepare. How we gonna play,” ani  Robinson.

Mangunguna si Evan Nelle sa opensa ng Lions, kasama sina James Canlas, Calvin Oftana at AC Soberano.

Ang match-up sa pagitan nina Cameroonian centers Donald ­Tankoua ng San Beda at Mike ­Nzuesseu ng LPU ang magdede-termina sa kapala­ran ng kani-kanilang koponan.

Comments are closed.