GIYERA KONTRA DROGA NI DUTERTE HINDI NA MADUGO

Spokesperson-Durana

HINDI na gaanong madugo ang giyera kontra droga na sinusulong ng Philippine National Police bagamat sinasabing anim na drug suspects ang nasasawi kada araw sa loob ng dalawang taong anti-narcotics campaign ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa datos ng PNP ay sinasabing nasa 4,814 deaths ang naitala ng PNP sa loob ng kanilang dalawang taong police anti-drug operations.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Bong Durana, katumbas ito ng ave­rage na  6 na tao o drug personalities ang napapaslang araw-araw simula ng maumpisahan ang war on drugs ni ­Pangulong Duterte noong Hulyo 1, 2016, sa unang araw ng kanyang opisyal na panunungkulan.

Subalit nilinaw ni Durana, na base rin sa kanilang talaan ay lumalabas na unti-unting lumiliit ang bilang ng nasasawi bawat linggo mula sa kanilang anti-drug police operations.

“We are continuously polishing our war on drugs. We can be tough on crimes at the same time we can be humane as well. These figures would tell us that while we can be relentless and chilling, we also want it to be less bloody,” ani Durana na hindi na masasabing madugo ang kanilang anti-drug campaign. VERLIN RUIZ

Comments are closed.