JAKARTA – Matapos ang makulay at magarbong opening ceremony kagabi ay simula na ang bakbakan ng libo-libong atleta mula sa may 45 bansa na may iisang misyon – ang manalo ng medalya sa 18th Asian Games na lalaruin sa 62 playing venues at sa Gelona Bung Karno Sports Complex dito.
May 17,000 atleta ang magtutunggali sa Games, kabilang ang 272 Philippine delegation na sasabak sa 31 sports, kasama ang premier sports athletics na pangungunahan nina Brazil Olympians silver medallist Hidilyn Diaz, Eric Shawn Cray at Mary Joy Tabal.
“We are ready to welcome all the participating athletes coming from different countries in Asia,” sabi ni Asian Games Organizing Committee leader Erick Thohir.
May 7,000 foreign journalists-print at broadcast-ang susubaybay sa dalawang linggong torneo na gaganapin dito at sa Palembang.
Positibo si Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas na maganda ang ipakikita ng mga Pinoy dahil pinaghandaan nila itong mabuti sa paglahok sa iba’t ibang torneo sa loob at labas ng bansa.
“Our athletes are well-honed and well-prepared. They have enough training and preparation. Hopefully, they would win in their pet sports,” sabi ni Vargas.
Sinusugan ito ni POC Chairman Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa pagsasabing palaban ang mga Pinoy at nakahandang makipagsabayan sa mga kalaban.
“They’re determined and out to win in the face of tremendous opposition,” wika ni Tolentino.
Noong nakaraang Asian Games sa Incheon, Korea ay nag-uwi ang bansa ng isang medalyang ginto lamang mula kay Daniel Caluag ng cycling.
Samantala, walang ibang hangad ang Blu Girls kundi ang podium finish sa softball tournament na magsisimula ngayon sa Gelora Bung Karno soft-ball field.
“We don’t watch to match our fourth-place finish (in the 2014 Incheon Asian Games) the last time. We are aiming for a podium finish,” wika ni Blu Girls coach Randy Dizer.
Sisimulan ng Blu Girls ang kanilang kampanya sa one-round, seven-team eliminations laban sa Hong Kong sa alas-8 ng gabi (alas-9 ng gabi sa Manila).
Isang dating national softball standout, si Dizer ay kumpiyansa sa Blu Girls dahil sa kanilang runner-up finish sa Asian women’s softball championships noong nakaraang taon na idinaos sa Taiwan sa likod ng champion Japan.
Maliban sa Japan, nauna nang tinalo ng Filipina sluggers ang lahat ng kaparehong katunggali na makakaharap nila rito, kabilang ang Hong Kong, 17-0, bago nalasap ang 0-7 pagkatalo sa powerhouse Japanese sa finals.
“We have been together for some time so we have a chance of winning medal in this Asian Games,” ani skipper-catcher Chesca Altamonte.
“Yes I think we have a chance of a podium finish.”
Ganito rin ang pananaw ni veteran Fil-Am short stop Garrie Blando, na nasa koponan magmula noong 2014.
“I believe we’ve been together for a longer time now so we have a better team since our last Asian Games. We are really hoping to win a medal here,” sabi ni Almonte. CLYDE MARIANO
Comments are closed.