Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
7 p.m. – Ginebra vs Meralco
Game 1, best-of-7 finals
MATAPOS ang dalawang linggong pahinga, magbabalik sa aksiyon ang PBA Governors’ Cup sa pagsisimula ng best-of-seven showdown ng Ginebra at Meralco para sa pinakaaasam na korona sa Araneta Coliseum ngayong araw.
Tinawag ng mga observer ang duelo na domination versus breakthrough, hunger versus hunger, offense versus defense, Allen Durham versus Justin Brownlee sa marquee import matchup, at Tim Cone versus Norman Black.
Subalit para sa magkatunggaling coaches, ito ay pagalingan ng paglalaro.
“I always tell my players if you want to win the championship, you have play a good basketball game offensively and defensively. You got to be prepared on what they’re attacking you with,” wika ni Black.
“I can’t think of the past, I can’t bring it back. I just concentrate on the future and that’s winning the championship,” dagdag pa ni Black.
“It’s gonna come down to playing good basketball. I think that’s both coaches try to preach. They’ve been the best defensive team this conference like quite a bit, and best rebounding team quite a bit. Those are the things what we’ll try to figure out,” sabi naman ni Cone.
Inaasahang magiging hitik sa aksiyon ang bakbakan kung saan naisaayos ng Gin Kings at Bolts ang final duel makaraang dispatsahin ang NorthPort at TNT KaTropa, ayon sa pagkakasunod, sa semifinals.
Tiyak na pinaghandaan nang husto nina Durham at Brownlee ang kanilang bakbakan kung saan kapwa sila sabik na magbalik sa aksiyon at pangunahan ang kani-kanilang koponan sa third offering ng Ginebra-Meralco trilogy.
Tulad ng kanyang coach, si Durham ay positibo, hindi alintana ang nakaraan at nakapokus sa pagkakataong masikwat ang mailap na PBA crown para sa Meralco Bolts.
Nagpasabog siya ng 39 points sa kanilang 101-77 panalo laban sa Kings sa kanilang elims duel noong nakaraang Nobyembre 3.
Subalit batid ni Durham na iba ang magiging bakbakan nila sa finals.
“This will be a competitive series and I’m excited,” aniya.
Muling sasandal ang Ginebra kina Brownlee, Stanley Pringle, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Greg Slaughter, Jeff Chan, Scottie Thompson at Art dela Cruz, habang itatapat ng Meralco sina Durham, Baser Amer, Chris Newsome, Raymond Almazan, Allein Maliksi, Bong Quinto at Anjo Caram. CLYDE MARIANO
Comments are closed.