SANIB-PUWERSA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa illegal logging at illegal quarrying kasunod ng malawakang pagbaha sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela sa gitna ng pananalasa ng bagyong Ulysses kamakailan.
Sa isang statement, sinabi ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na ang National Anti-Illegal Logging Task Force na nilikha sa pamamagitan ng Executive Order 23 ay pupulungin ng DENR upang magpatupad ng mga bagong istratehiya sa pangangalaga sa nalalabing forest cover at threatened habitats sa bansa.
Ang Task Force ay binubuo ng mga tauhan mula sa DILG, Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Malaya, nagkasundo sina DILG Secretary Eduardo Año at DENR Secretary Roy Cimatu na gamitin ang lahat ng resources para mapigilan ang lalo pang pagkasira ng nalalabing forest resources ng bansa.
“The DILG commits to mobilize the LGUs, the PNP, BFP and BJMP to meet the goal of the NGP to rehabilitate the unproductive, denuded, and degraded forest lands of the country by engaging local communities in the DENR’s reforestation program. We will also work with Civil Society Organizations to plant more seedlings for our forests to grow again,” sabi ni Malaya.
Aniya, suportado ng DILG ang National Greening Program (NGP) ng DENR na naglalayong i-rehabilitate ang may 1.2 million hectares ng denuded forest lands pagsapit ng 2022.
Tinukoy ng DILG spokesperson ang PNP data na 6,710 anti-illegal logging operations mula January hanggang October 2020, kung saan 3,336 illegal loggers ang naaresto sa buong bansa.
“The 6,710 PNP operations have led to the recovery of 3,663,173 board feet of lumber illegally cut from our remaining forest cover. We have filed 1,145 cases in court against the suspects. There are still many violators of our environmental laws,” aniya.
Comments are closed.