GIYERA VS MONEY LAUNDERING PAIIGTINGIN NG DOF, AMLC

DBM-AMLC

LUMAGDA ang Department of Finance (DOF) at ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa isang kasunduan para paigtingin ang paglaban sa money laundering at terrorism financing.

Nilagdaan nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at AMLC Secretariat Executive Director Mel Georgie Racela ang memorandum of agreement na naglalayong palakasin ang pagpapalitan ng impormasyon, imbestigasyon at pag-uusig sa mga taong sangkot sa money laundering, terrorism financing at iba pang paglabag sa Anti-Money Laundering Act of 2021.

Ang signing ay sinaksihan nina DOF Revenue Integrity Protection Service (RIPS) Undersecretary Bayani Agabin at AMLC Secretariat Commitments and Policy Group Deputy Director Alvin Bermido.

Bilang financial intelligence unit ng bansa, ang AMLC ay may kapangyarihan ding tumanggap at suriin ang mga kaduda-dudang transaksiyon, imbestigahan ang money laundering at pasimulan ang pagsasampa ng mga kaso.

Samantala, ang DOF ay may anti-corruption arm na tinatawag na Revenue Integrity Protection Service (RIPS), na sa ilalim ng kasunduan ay maaaring mag-request ng financial information mula sa AMLC upang suportahan ang isinasagawang imbestigasyon.

“This updated MOA underlines the unrelenting drive by the Duterte administration to flush out money launderers and terrorist financiers and stop the Philippine financial system from becoming a harbor for their nefarious activities along with other AMLA violations,” pahayag ni Secretary Dominguez

Sinabi pa ng DOF na maaaring busisiin ng RIPS ang umano’y mga tiwaling gawain ng mga opisyal at empleyado ng ahensiya.

“As the country’s situation evolves, so does the fight against money laundering and terrorism financing. This MOA represents another chapter of collaboration and information-sharing between the DOF and the AMLC,” wika ni Racela.

Comments are closed.