GLAIZA DE CASTRO AT MEG IMPERIAL MAY FRANCHISE NG SIOMAI KING

BUKOD sa kanyang Timeless Beauty Salon and Spa sa Kabikulan na located sa 2F, Carrano Bldg., entra eksenaPenafrancia Ave., San Francisco, Naga City; Domus Residences Cluster 1 Barlin St. Naga City na mina-manage ng kanyang mother ay involved sa isa pang negosyo ang Abay Babes star na si Meg Imperial at ito ay ang Siomai King kung saan ay pareho sila ng sikat na Kapuso  actress na si Glaiza na kumuha ng franchise nito. At dahil in at click ang nasabing business ay tulad ng ibang franchiser nito ay puwedeng kumita ng P40k to P60k  ang mga nabanggit na actress at mas malaki pa kapag nasa mata-ong lugar ang puwesto tulad ng Schools, Malls,  MRT, at LRT.

SHOWBIZ WANNABE NAKIKITA NA ANG TALENTO

NAIPALABAS  na ang guesting ni Christian Gio sa show ni Eugene Domingo sa GMA7 na “Dear Uge,” in fairness to this young actor ay maganda ang exposure niya sa episode na ‘yun na naka-eksena niya sa bar sina Lovi Poe at Tom Rodriguez na nag-date sa lugar. Pero ang isa pang inaabangan ng fans ni Christian na super excited sila ay ang guesting ng kanilang idol sa teleserye ni Julia Montes na “Asintado” na nalalapit na.

MISS MILLENNIAL PHILS NG EB MAS GINASTUSAN NGAYONG TAON

MATAPOS  ang successful na first-run ng Miss Millennial Philippines last year na pinagwagian ni Ms. Julia Gonowon (na­ging parte ng EB), inipon uli ng Eat Bulaga ang mga local beauty titleholders at hinamon  ang mga ito na i-represent ang kanilang mga probinsya sa naiibang paligsahan ng kagandahan sa national television. ‘Di tulad ng mga nakasanayan ng beauty pageants sa bansa, ang Miss Millennial Philippines ay mas magbibigay halaga sa pagpo-promote ng tourism potential ng isang lugar sa tulong na din ng mga millennial contestants na magsisilbing ambassadress ng kanilang lalawigan.

“Last year’s journey was really an eye opening one for all of us. Personally, mahilig akong mag-travel and nu’ng nagsimula na ‘yung pageant, na-guilty ako na ‘di ko pa napupuntahan ‘yung ibang mga magagandang lugar na nai-feature sa telebisyon. Gugustuhin  mo talagang dumalaw at tikman ‘yung mga nagsasarapan nilang mga pagkain. Gusto namin ulitin ‘yun, na mag-spark ng same curiosity sa audience,” sey pa ni Eat Bulaga’s SVP for Creative Operation, Ms. Jeny Ferre.

The said top executive also admits na sa lahat ng well-loved segments ng Eat Bulaga ang Miss Millennial Philippines ang pinakamahirap at pinakamahal na i-produce sa telebisyon. Maliban kasi sa logistics and production  constraints, hindi rin umano madali ang mag-gather ng 40 candidates na may iba’t ibang background at galing sa iba’t ibang lalawigan. At aabutin ng ilang milyon ang premyong ipamimigay nila para sa title holder at iba pang special awards.

Comments are closed.