Ikakasal na ang Encantadia star na si Glaiza de Castro sa Irishman na si David Rainey. Magaganap ang kasalan dito sa atin.
Two years na ang relationship ng dalawa. Bago hiningi ni David ang kamay ni Glaiza sa kanyang mga magulang na sina Cristy at Boy Galura.
Ani Mommy Cristy: “Bago pa umalis si Glaiza second week of December sa Pilipinas (sic), nagkaroon na kaming mag-asawa ng video chat kay David. Sinabi ni David mag-e-engage na sila ni Glaiza. Pero, one to two years ang preparations ng kanilang kasal. Gagawin sa Pilipinas (sic) ang kasalan. Hindi alam ni Glaiza ang usapan namin ni David. Sa Ireland, pagdating ni Glaiza doon, doon agad nagbigay ng engagement ring si David sa anak ko.”
Parehong busy ang dalawa ngayon. Si Glaiza sa pagbalik sa January 19, 2021 ay sisimulan niya ang lock-in taping ng Nagbabagang Luha. Si David naman ay busy sa kanyang restaurant business.
Basta, masaya si Glaiza kay David, at wala naman tutol ang parents sa binata dahil kilala na nila nang matagal at ilang beses nang nagbakasyon si David sa Baler, kung saan may rest house ni Glaiza.
oOo
MICHAEL V., HEARTWARMING MESSAGE PARA SA BAGONG TAON SA PEPITO MANALOTO TONITE!
New Year presentation na Pepito Manaloto! ngayong Saturday night na isang fresh episode na hinanda ng creative director na si Michael V.
Bukod sa masayang episode na magaganap, kinasasabikang eksena ang muling pagkikita nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes). Siyempre, kung ano-anong dahilan kung bakit ‘di nagkakasama ang good couple. Isa nga rito raw ang pagiging super busy ni Pepito.
Comments are closed.