GLAIZA DE CASTRO HIRAP SA LONG-DISTANCE RELATIONSHIP

GLAIZA-DE-CASTRO-2

HINDI biro kay Glaiza de Castro na magkaroon ng Long Distance Relationship o wallfaceLDR. Matagal-tagal siyang walang naging boypren pero nang magkaroon naman ng kasuyo ay isa pa itong foreigner.

Nitong nakaraang buwan kasi ay halos isang buwan silang magkasama ng Irish boyrpen na si David Reiney. Naging masaya si Glaiza sa piling ng boypren at sinulit ang mga oras na magkasama sila habang nasa bansa. Halos lahat ng celebrity events ni Glaiza ay karay-karay niya ito.

Umalis naman itong muli ng bansa at ilang buwan din sila magkahiwalay. Ani ni Glaiza, isang malaking hamon para sa kanya ang ganitong uring relasyon, nangangailangan ng matinding tiwala at sacrifice.

Aminado rin ang magaling na actress na hindi siya kuntento sa usap-usap lang sa cellphone, kaya naghahanap diumano ang kanyang boypren o siya ng paraan na makahanap ng isang APP kung saan ay pwede silang maglaro together kahit magkahiwalay ng bansa at higit sa lahat ay ang pagiging open nila sa isa’t isa.

CELEBRITY LAWYER/PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA SUMABOG NA

HINDI na talaga itinago pa ni PAO (Public Atty. Office) Chief na si Persida Acosta ang kanyang kinikimkim na galit nang humarap sa media people. Ang kanyang hinaing ay ang isang batas na nililimitahan ang paggamit ng natu­rang ahensiya sa mga imbestigasyon nito na kung saan ay gumagamit sila ng Forensic Laboratory Division sa kanilang mga plantilla personnel. Inilatag ang naturang batas ni Cong Edcel Lagman at malaki ang hinala ni Atty. Persida na may hidden agenda ang mambabatas at sinuportahan naman ng ilang senador ang panukala nito.

Ayon kay Atty Persida, halos araw-araw ay lumolobo ang humihingi sa kanila ng tulong na legal at marami rin sa mga ito ay gumagamit ng Fo-rensic Laboratory Division. Kung aalisin nga naman sa kanila ang naturang karapatan ay malamang mas matatagalan ang kanilang imbestigasyon dahil aasa na lang sila sa PNP at NBI.

Kaya ngayon pa lang ay nakikiusap na si Atty. Persida at alang-alang na rin sa mga kapus-palad nating mamamayan na walang kakayahan na magbayad ng malaki para sa isang forensic investigation na i-VETO ng Pangulo Duterte ang naturang batas, ang GAA for 2020 provision.

Comments are closed.