AMINADO ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro na super kaba siya nang rumampa sa isang wedding gown fashion show. Bukod kasi sa siya lang ang artista sa naturang show ay pawang mga ramp model ang kanyang kasama sa stage.
Say pa nga ni Glaiza halos ‘di raw siya makalakad dahil sa tensiyon na nadama pero nawala raw ito nang sa pangalawang pagkakataon ay lumabas ulit siya sa stage at rumampa. Kering-keri na ni Glaiza ang kanyang ginagawa, as if na talagang lumalakad siya sa loob ng simbahan para sa kanyang kasal.
Marami tuloy ang nagsasabing baka kaya tinanggap ni Glaiza ang isang wedding gown fashion show ay para pag-aralan na rin kung paano magsuot at lumakad ng naka-wedding gown. May rumored non-showbiz foreigner boypren ngayon si Glaiza pero hindi naman niya ito isinasapubliko. Naka-private talaga ang lovelife ngayon ni Glaiza.
Pero ayon naman sa actress, wala raw kinalaman ang kanyang pagrampa sa personal niyang buhay at ayaw na raw niyang mag-sabi kung kailan niya gustong magpakasal. Una na kasing nasabi niya noon na gusto niyang magpakasal sa edad na 30. At ngayon 31 na rin naman siya ay wala pa rin siyang balak pakasal.
MIKA DELA CRUZ BACK TO BACK DIN ANG SAYA
PARA kay Mika dela Cruz blessed na blessed siya ngayong Year of the Pig dahil sa dobleng kasiyahan na nadarama niya ngayon sa kanyang buhay.
Una na rito sa kanyang personal na buhay, first time ni Mika na magkaboypren at ito ay ang Kapamilya young actor na si Nash Aguas. Very smooth ang takbo ng kanilang relasyon kahit pa sa magkalabang estasyon sila belong.
Ang pangalawang kasiyahan sa buhay ni Mika ngayon ay ang pagkakaroon ng lead role at masasabi niyang launching teleserye, ang “Kara Mia” kung saan ay literal na magka-back-to-back sila ni Barbie Forteza sa iisang ulo. First time din magmaldita ni Mika sa isang soap at abot-abot din ang dusang kanyang kinaharap.
Para kasi kay Mika hindi ganu’n kadali na umakting siya nang paulit-ulit para maging fit ang mukha nila ni Barbie. Kailangang kunan ng maraming anggulo si Mika sa kanyang mga litanya at gayundin si Barbie.
Bukod kina Mika at Barbie kasama rin sa “Kara Mia” sina John Estrada, Carmina Villaroel, Mylene Dizon, Mike Tan, Gina Pareno, Alicia Vergel, Jak Roberto at Paul Salas. Mapapanood pagkatapos ng “24 Oras”. At ngayon ay may bonus pa, sa first night airing pa lang ng kanilang “Kara Mia” ay agad-agad itong nag-trending sa social media.
Comments are closed.