MAHIGIT na ring isang buwan na wala sa bansa si Glaiza de Castro, na kasalukyang nasa London para sa pag-aaral niya ng musika sa Point Blank Music School. Lubos-lubos ang kasiyahan ni Glaiza nang matupad ang isa sa pinupuntirya niyang gawin habang nasa London at nag-aaral, at ma-i-feature sa Point Blank Studio Sessions.
Ani ni Glaiza, talagang nag-audition siya para makanta niya ang sariling likhang awitin sa naturang sikat na music session. Anuman ang maging resulta ay feeling winner na talaga si Glaiza dahilan sa nabigyan siya ng pagkakataon na marinig ang kanyang kanta sa naturang bansa.
Mas nakilala kasi si Glaiza dito sa Pinas bilang isang actress at naisantabi ang kanyang first love, ang pagkanta. Kung kaya nang nabigyan ng panahon ang sarili ay pinagpatuloy ni Glaiza ang kanyang tunay na hilig, ang musika at mas hinasa ang talent sa ibang bansa kapalit naman ng hindi niya pansamantalang ‘pagkawala’ sa showbiz limelight.
JEAN GARCIA ‘DI INAKALANG SASABAK SA AKSIYON KUNG KAILAN MAY MGA APO NA
HINDI rin lubos akalain ni Jean Garcia na darating sa punto ng kanyang karir na mag-iisip siya kung gagawin o hindi ang isang lead role kung saan ay magiging maaksiyon ang mga eksena.
Say ni Jean, hindi na rin naman bago sa kanya na lumabas sa mga projects na maaksiyon, pero mild action lang ang kanyang ginagawa at madalas ay leading lady o support lang siya sa bida. Ngayon ay siya na mismo ang bida sa pelikulang intended for international film festival, ang “Watch Me Kill”.
Ayon kay Jean, kung kailan dalawa na ang kanyang apo, courtesy of Jennica Garcia, saka siya napasubo sa isang movie na hindi niya matanggihan gawin. Kahit buwis buhay ay natapos ni Jean ang naturang movie at natuwa naman ang kanyang director sa mga kinalabasan.
Para matugunan ni Jean ang pangangailangan ng kanyang karakter ay nag-undergo siya ng isang extensive martial arts training sa loob ng ilang linggo.
Sa ngayon ay bisi-bisihan naman si Jean sa bago niyang teleserye sa GMA-7, ang “The Gift” kung saan ay gumaganap siya bilang nanay ni Alden Richards.
Comments are closed.