NAG-INSPEKSIYON si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa mga bagong instalang glass walkway sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang masiguro na walang palpak sa paggawa ng kontratista bago ito buksan sa publiko.
Magiging operational ang Bay 9 at Bay 3 ng NAIA terminal 1 sa susunod na linggo kaya pinasisiguro ng MIAA sa 48 aero-bridges operator at tatlong supervisor na walang magiging problema o aberya kapag binuksan ito sa riding public.
Sinuri rin kung mayroong mga tulo partikular na sa Bay 9 ng NAIA terminal 1 kapag malakas ang ulan.
Sinabi ni Monreal na ang ang siyam na aerobridges sa terminal 1 ay itinayo 33 taon na ang nakalilipas kaya pinalitan ito ng mga bagong glass walkway kasabay sa paglalagay ng mga CCTV camera at mga makabagong airconditioning.
Ang proyektong ito ay pinondohan ng pamahalaang Duterte at inaasahan na matatapos sa Disyembre.
Naisakatupran ang proyekto sa tulong ng Shenzhen (CIMC) Tian DA Airport Support LTD, isang Chinese firm na nagsu-supply ng mga bagong aerobridge sa Clark International Airport at sa iba pang airport sa buong mundo. FROI MORALLOS
Comments are closed.