GLOBAL LINGKOD BAYAN COALITION NG PNP KAAGAPAY SA KANAYUNAN

IPINALIWANAG ni Police Community Relations (PCR) Director, Maj. Gen. Rhodel O. Sermonia ang kahalagahan ng binuong Global Lingkod Bayan Coalition (GLBC) sa mamamayang Pilipino.

Ang GLBC ay force multipliers o pagsasanib ng mga advocacy group na naglalayong suportahan ang layunin ng Philippine National Police (PNP) gaya ng paglaban sa kriminalidad partikular ang paglaganap ng droga, terorismo, korupsiyon at insurhensiya.

Sa pag-upo ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar bilang ika-26 hepe ng Pambansang Pulisya ay iyon ang sentro ng police force.

Dahil pandemya pa rin dulot ng COVID-19, inuna ng pulisya ang pagpapalakas ng relasyon ng PNP sa mga kanayunan at mga barangay sa pamamagitan ng PCR.

Kabilang sa GLBC ang 11 international and local organizations na Kabataan Kontra Droga At Terorismo (KKDAT); National Coalition of Information Technology Advocates for Change (NCITAC); Joint Industrial Peace Concerns Office/Alliance for Industrial Peace Program (JIPCO/AIPP); KALIGKASAN, International And Local Help Desk, Global Peace Community Relations, Anti-Crime Community and Emergency Response Team (ACCERT), Association of Chiefs of Police of the Philippines Inc.; Affiliated NGOs (ACPPIAN), Foreign National Keepers Network (FNKN), Project JUANA (MAGDALENA Mission), Brgy Based Organization at ang Faith Based Organizations.

Ang KKDAT ay naglalayong ilayo ang mga kabataan sa bisyo gamit ang droga gayundin sa panghihikayat ng mga progresibong grupo na makisapi sa kanila partikular ang New People’s Army.

Kamakailan ay inilunsad sa PNP ang GLBC na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pagsuporta sa mga layunin ng samahan ng advocacy group na nagpalakas ng volunteerism na kikilos naman para sa mandato ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
EUNICE CELARIO

Comments are closed.