Disappointing ang pagtatapos ng fourth session ng Intergovernmental Negotiating Committee (INC4) para sa Global Plastics Treaty dahil nagtapos lamang itong kumakampi pa sa interes ng fossil fuel at petrochemical industry.
Umalma dito si Greenpeace Philippines Zero Waste Campaigner Marian Ledesma, at sinabing kahit maayos angf pagpapatakbo ng Pilipinas sa zero plastric program sa buong bansa, wala pa ring mangyayari kung hindi makikiisa ang lahat. Kaya dapat lamang umanong ipagpatuloy ng Pilipinas ang ang pagpapahinto ng plastic production, at ipagbawal na rin ang single-use plastics lalo na ang paggamit ng sachets, at magsimula na rin ang pagbalik sa refill systems na dati na rin namang ginagawa noong araw, para sa ikabubuti ng planeta.
Ayon sap ag-aaral, 94 percentng mga Filipino ay sumusuporta sa hindi paggamit ng plastic. Ang plastic pollution ay isa sa pinakamalaking problema sa mundo sa ngayon.
Noong March 2022, nagkaroon ng UN Environmental Assembly sa Nairobi, Kenya upang talakayin at pagdebatihan ang global plastic crisis. NLVN