GLOBE 5G TRAFFIC TUMAAS NG 24X NOONG PEBRERO

GLOBE 5G

NAKARANAS ang Globe ng malaking pagtaas sa traffic — hanggang 24 beses sa 416.76 TB noong Pebrero 2021 mula noong Setyembre 2020 habang patuloy nitong pinalalawak ang 5G network nito sa bansa.

Nakatulong sa paglago ng teknolohiyang ito ang pagpapalakas sa 5G sites, gayundin ang availability ng abot-kayang devices na nagbibigay-daan para matamasa ng mga customer ang mas mahusay na data experience.

Ang ‘unbeatable speeds’ ng 5G at ang halos real-time latency ay nagbukas sa mundo ng hindi mabilang na posibilidad na maaaring asahan ng mga Filipino dahil mas marami pang lugar ang ginawang 5G-powered smart cities, na nagkakaloob ng mga bagong eksperyensiya sa retail, entertainment, gaming at healthcare.

Ang Globe ang tagapanguna sa  5G technology sa Filipinas, bilang unang mobile operator sa Southeast Asia na inilunsad ‘commercially’ ang paggamit ng 5G AirFiber for Home noong 2019. Kasunod nito, inilunsad ng telco ang 5G nito para sa mobile noong 2020.

Patuloy na pinalalawak ng telco ang 5G network nito kung saan sa kasalukuyan ay nasa 82% ng Metro Manila ang naseserbisyuhan nito, at patuloy rin ang expansion sa mga key area sa buong bansa dahil sa pangangailangan ng publiko para sa mas mahusay na connectivity.

Sa katunayan, ang masigasig na pagpupunyaging ito ay nagdulot ng positibong resulta kung saan nangunguna ang Filipinas sa buong mundo sa improvements sa 5G technology kumpara sa 4G, pagdating sa Video Experience na may 40% score, ayon sa report ng international analytics firm Opensignal sa pinakabagong insight analysis nito, “Benchmarking the global 5G experience.”

Tinalo ng bansa ang Thailand na pumangalawa na may 29% boost,  habang ang Hong Kong ay may 14%.

Naungusan din ng Filipinas ang mga bansang tulad ng Australia at Hong Kong, ranking second sa 5G Download Speed Improvement na may 10.1 times increase versus 4G sa 117.2 Mbps.

Ayon kay Ian Fogg, Opensignal lead analyst, “For 5G to be relevant to mainstream mobile users, the latest mobile technology must offer an excellent and superior mobile network experience. In this analysis, we quantify just how good the 5G experience can be.”

Hanggang Pebrero 19 ngayong taon, ang 5G coverage ng Globe ay matatagpuan sa 960 lugar sa National Capital Region at  240 sa Visayas at Mindanao.

2 thoughts on “GLOBE 5G TRAFFIC TUMAAS NG 24X NOONG PEBRERO”

Comments are closed.