GLOBE, GLOBAL FIRMS SANIB-PUWERSA

NAKIISA ang global brands, sa pangu­nguna ng  Adobe, Da Vinci Kids, at Quipper sa Globe Telecom at Department of Education (DepEd) sa pagpapalawak ng Global Filipino Schools (GFS) program upang higit na mapalakas ang paghahatid ng world-class education sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ang mga bagong partners na ito ay inaasahang magpapaigting sa intensibong five-day face-to-face GFS national training certification workshops at  three-month virtual coaching sessions  para sa mga guro at schools heads na nagsimula noong Mayo 7 sa Cebu City. Tatalakayin sa workshops  na ito ang iba’t ibang tuntunin ng 21st century education at ang mga praktikal na pa-mamaraan ng paggamit ng teknolohiya sa mga pampublikong paaralan.

Kinuha ng Globe ang Mano Amiga Academy, isang non-profit K-12 school na may international standards na nagmula sa Latin America, upang mangasiwa sa workshop at manguna sa coaching course. Ang Mano Amiga, salitang Kastila para sa ‘helping hand’, ay kilala sa paglinang ng sarili nitong intensive teacher training program na nagbibigay-diin sa child-centered instruc-tion, active learning at pag-unlad ng 21st century learning skills tulad ng Communication, Collaboration, Critical Thinking at Creativity.

“For quality education to take place, the development of quality teachers is vital. With our collective efforts, we believe we can make a difference in the public education sector by nurturing a progressive mindset among teachers and creating independent learners among public school students,” wika ni Mano Amiga Executive Director Eleanor Pinugu.

Pinangangasiwaan ng Globe ang GFS program magmula noong 2012.  Gamit ang makabagong approach sa K-12 learning na may pangmatagalang suporta mula sa DepEd, ang GFS ay nagkakaloob sa mga eskuwelahan ng tatlong pangunahing sangkap: internet connectivity, mobile tech at specialized teacher training sa 21st century approaches sa edukasyon.

Sinabi naman ni Yoly Crisanto, Globe SVP for Corporate Communications, na: “Through the years, we’ve built meaningful relationships with various partners in the education space, with the objective of jointly providing the needed support for the public education sector on a national scale. We’re very fortunate that we now have global partners with the same objective of propagating 21st century learning to the youth around the country.”

Sa ilalim ng partnership, ang Adobe, isang global software company na tumutulong sa mga tao na magdisenyo at maghatid ng mahusay na digital experiences, ay magbibigay sa public school teachers ng training sa digital media solutions gaya ng Adobe Creative Cloud at online educational apps upang matulungan silang malinang ang pagkamalikhain at kumpiyansa ng kanil-ang mga estudyante.

“Students today are growing up in a tech-enabled and data-driven world. They are being challenged in new ways and are expected to be more creative in their learning. The skills they re-quire to succeed in a world of automation are changing rapidly too. Teachers need to have access to updated training and modern digital media tools, so they can nurture the best in their students and build creativity and innovative problem-solving skills that the future workforce will need,” pahayag ni Wayne Weisse, Director, Education & Government, Adobe Asia Pacific.

Samantala, ang Da Vinci Media, na nagmula sa Europe at may presensiya sa mahigit 90 bansa, ay magsasagawa ng workshop sa design thinking at paggamit ng  mobile apps. Ang or-ganisasyon ay nag-ooperate ng interactive video-on-demand app, ang Da Vinci Kids, na nagkakaloob sa K-12 learners ng educational videos sa mahigit 90 bansa at sa iba’t ibang wika.

“We are delighted to partner with Globe in their superb support program for teacher training. Da Vinci Kids is an advocate of innovative educational videos that makes learning fun and memorable,” sabi ni Da Vinci Kids CEO Ferdinand Habsburg.

May 71 public schools ang nadagdag sa GFS program ngayong taon. Sa kasalukuyan, ang programa ay ipinatutupad sa 200 DepEd divisions at sa 16 mula sa 17 Philippine regions, kung saan ang nala­labing rehiyon, ang  Autonomous Region in Muslim Mindanao, ay nakatakda na sa Hunyo.

Comments are closed.