Globe ibinahagi ang consumer insights sa PH education landscape sa DepEd

SA isang kakaibang hakbang, ibinahagi ng nangungunang digital solutions platform Globe ang consumer research findings nito sa Philippine education landscape sa Department of Education (DepEd) para makapag-ambag sa national education agenda.

Inisyal na isinagawa upang tulungan ang Globe na higit na maunawaan ang mga customer nito, natuklasan ng research ang mahahalagang kabatiran sa estado ng edukasyon pagkatapos ng pandemya. Ibinunyag nito ang long-term impact nito sa workforce at sa overall economic outlook ng bansa.

Lumahok ang mga estudyante, guro, magulang school administrators, employers, at government agencies sa customer behavior survey. Lumabas sa resulta ang tatlong umuusbong na tema: “Why we learn,” na nakapokus sa mga hangarin at learning mindsets; “What we learn,” na sumusuri sa mga kasanayan at curriculum; at “How we learn,” na nakatuon sa tools, methods, at metrics na ginamit upang masukat ang student performance.

Isa sa key highlights ng research ang potensiyal para sa mga estudyante at magulang para pabilisin ang pagkatuto sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Sinisiguro na ang mga guro ay may latest tools at mechanisms upang maihanda ang mga estudyante para sa workforce na makatutulong para mabawasan ang ‘redundancy’ sa mga employer.

Bukod dito, ang open approach sa pagtuturo na nagbibigay-daan sa ‘creativity at flexibility’ ay mas maihahanda ang mga estudyante para sa hinaharap.

“At Globe, we recognize the crucial role that education plays in shaping the future of our country and its people. We are committed to using our resources and expertise to support government programs and initiatives that aim to improve the state of education in the Philippines. Sharing this research is just one way we can contribute to this important national agenda,” wika ni Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer Yoly Crisanto.

Ang Globe ay isang long-time advocate ng pagkatuto at naniniwalang ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ay susi sa pag-unlad sa larangang ito.

Bahagi ito ng commitment ng Globe sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular sa UN SDG No. 4 sa dekalidad na edukasyon.

Bukod sa pagsuporta sa educational institutions, ang Globe ay tumutulong para alisin ang agwat sa pagitan ng mga job seeker at ng global demand para sa tech talent sa pamamagitan ng Kodego, isang education technology company ng corporate venture builder nito na 917Ventures. Ang Kodego ay nagbibigay sa high school graduates at career shifters tech ng mga oportunidad sa pamamagitan ng ‘study now, pay later’ online tech boot camp.

Ang pananaliksik at malalim na partnership ng Globe sa DepEd ay mahalagang kontribusyon sa mga pagsisikap na ito at makatutulong para matiyak na ang Pilipinas ay nasa magandang posisyon para samantalahin ang mga pinakabagong kaganapan sa education technology.