NAG-PARTNER ang Globe Labs at Nexmo (NYSE:VG), isang pandaigdigang business cloud communications leader, para mag-deliver ng malakas na solusyon sa merkado ng Filipinas at ang ibang bansa sa Southeast Asia.
Laging handa at maaasahan, ito ang magpapagana sa mga negosyo para lalong maitaguyod ang voice solutions sa maayos na pagpapatakbo at suporta sa mga customer support function; makadagdag sa kanilang customer engagement at loyalty as automated, contextual at personalized messaging; at higit sa lahat maka-deliver ng mas maayos na resulta sa negosyo.
Ang Nexmo, na Vonage API Platform, ay kumokonekta sa higit sa 1600 carriers sa buong mundo. Ang Nexmo pinagsama-sama rin sa Vonage’s global network na natatapos ng 15 bilyong minuto ng global voice traffic at higit sa 5 bilyong API calls taon-taon.
“We’re excited to partner with Globe Labs to offer innovative voice technology solutions to businesses in the Southeast Asian market, empowering brands to connect with their customers with personalized, contextual communication,” pahayag ni Sunny Rao, Vice President and General Manager, APAC for Vonage.
“Globe Labs, like Nexmo, share the same belief in using technology to deliver a better customer experience. In today’s digital world, Voice plays a significant role in the customer journey. With Voice combined with Cloud Technology, AI, NLP, Machine Learning, and Data Analytics, we aim to deliver business solutions with our customer’s customers in mind. Our voice solution, IVES, will provide our customers ease of use where they can build a customer journey that is unique to their business and customer needs,” paliwanag ni Glenn Z. Estrella, Vice President of Globe Digital Ventures na nagbibigay ng Globe Labs digital solutions.
Para mabigyan ang C-level executives ng iba’t ibang industriya sa bansa ng nakahandang voice technology para sa kostumer sa ngayon, at kung paano ito makatutulong na maiangat ang business performance, nag-host ang Globe Labs at Nexmo ng “The Rise of Voice: Take Your Business to New Heights” sa Shangrila the Fort, Bonifacio Global City.
Naghandog ng mga magagaling na eksperto sa industriya sa nasabing okasyon at ang interactive product showcase na binigyang-importansiya kung paano binago ng voice technology ang digital landscape para sa mga industriya.
CREATING RICHER CUSTOMER EXPERIENCES WITH VOICE APPLICATIONS
Ang voice technology ay isa sa mga teknolohiya na humuhubog sa business landscape ngayong panahon. Isa ito sa mga huling computer interfaces na makapagbibigay ng kagaanan sa mga kostumer.
Tulad ng Alexa, isang virtual personal assistant na ginawa ng Amazon, puwede itong mamili, magplano ng bakasyon, at kahit magbigay ng donasyon sa charity, na ilan lamang sa libo-libong ibang gawain na inilagay dito. Ito ay activated sa pamamagitan ng pagbibigay ng voice commands sa speaker.
Sa Filipinas, ang voice search ay lalong nagiging popular at ginagamit para maghanap ng mga katanungan, weather updates, at kahit gabay sa pagbiyahe.
Bukod sa makapagpapagaan pa ng buhay ng mga kostumer, ang voice technology ay magiging gabay din para sa BPOs, retailers, financial companies, at iba pa at magiging gamit para lalong mapahusay ang kanilang pagkita.
Para sa mga Pinoy na negosyante, isang kasong gamit ang voice solutions na pinagana ng Globe Labs at Nexmo ay ang automated payment na paalala sa mga subscriber na may mga balanse pa sa kompanya. Ang automated payment reminder ay makapagtataas ng call-through rates na katapat o makahihigit pa sa mga traditional contact centers.
ANG GLOBE LABS
Ang Globe Labs ay isang innovative developer community ng Globe Telecom na nagbibigay sa mga negosyo ng telco-powered APIs at solusyon kasama ang SMS, Voice, Charging, Location-Based, Sponsored Access, rewards capabilities at iba pa. Tumutulong din sa pagpapalago ng negosyo sa pamamagitan ng: pagdagdag ng customer reach, improving customer engagement, at streamlining operations. Sa dagdag na gaan ng pagsasama ng mga kapasidad, binabawasan ng Globe Labs ang kailangan na capital investment at pinabibilis ang time-to-market para sa produkto at serbisyo.
ANG VONAGE
Ang Vonage (NYSE:VG) ay ang muling pagtukoy sa business communications. Bilang technology disruptor, muling binubuhay ang mga kompanya para lumikha ng magandang resulta sa negosyo. Ang kakaibang cloud communications platform ang nagdadala ng masiglang unified communi-cations solution APIs sa pamamagitan ng Nexmo, the Vonage API Platform. Itong matibay na kombinasyon ang nagpapagana sa mga negosyo para makipag-ugnayan ng mas produktibo at makuha ang mga kostumer na maging epektibo sa messaging, chat, social media, video at voice. Ang Vonage Holdings Corp. ay may headquarter sa Holmdel, New Jersey, ay may opisina sa buong United States, Europe, Asia at Israel.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe Labs at Nexmo, bisitahin ang http://www.globelabs.com.ph at https://www.nexmo.com
Comments are closed.