Globe Libreng Tawag, Charging at WiFi kasado na para sa​ mga apektado ni #Crising

Globe

NAKAHANDA na ang Globe para tumulong sa mga residente ng Zamboanga Peninsula, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur, Cotabato at iba pang lugar kung saan inaasahang mararamdaman ang hagupit ni #Crising.

Naka-standby na rin ang mga Libreng Tawag, Charging at WiFi Services ng Globe na maaaring i-deploy anumang oras sa mga lugar na maaaring mawalan ng koryente dahil sa malakas na hangin at pag-ulan dala ni Crising.

Bahagi rin ng mas pinaigting na pagtugon at kahandaan sa mga kalamidad, nakaantabay na ang mga technical support personnel at maging mga kagamitan gaya ng mga generator para ipadala sa mga lugar kung saan malaki ang magiging epekto ni #Crising.

Bibigyan din ng libreng data ng Globe ang mga Globe at TM customer nito para magamit sa pag-access ng website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at malaman ang mga paghahanda at mga anunsiyo ng pamahalaan sa pananalasa ng mga bagyo.

Nanawagan din ang Globe sa lahat ng mga apektadong residente na makinig o kumuha lamang ng balita sa mga lehitimong news site at mga government concerned agency.

Pinaalalahanan din ng kompanya ang mga kababayan natin sa mga lugar na tatamaan ng masamang panahon na mag-imbak at maghanda ng sapat na pagkain, tubig, gamot, baterya para sa mga flashlight at radyo, kandila at i-charge agad ang kanilang mga mobile phone, tablet, laptop at iba pang mga gadget sakaling mawalan ng koryente.

Pinapayuhan din ng Globe na manatili muna sila sa loob ng kanilang mga bahay kung wala namang pangangailangan na sila ay lumikas sa mas ligtas na lugar.  Gayunpaman, mas mainam na rin na maghanda sila ng mga damit, first-aid kit at iba pang mga kailangan sakaling sila ay ilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA,  alas-11 ng umaga ngayong Biyernes, Low Pressure Area na si #Crising. Inaasahang tutuloy na ito sa Sulu Sea sa susunod na anim hanggang 12  oras.

Para sa karagdagang  impormasyon, sundan ang GlobeICON on Facebook o bisitahin ang  globe.com.ph para sa mga pinakabagong  #StaySafePH advisory.

7 thoughts on “Globe Libreng Tawag, Charging at WiFi kasado na para sa​ mga apektado ni #Crising”

  1. 842604 755140This internet internet site is often a walk-through for all of the expertise you wanted concerning this and didnt know who ought to. Glimpse here, and you will completely discover it. 244842

  2. 981857 897315Hey. Really good web internet site!! Man .. Superb .. Fantastic .. Ill bookmark this web web site and take the feeds alsoI am pleased to locate so a lot helpful details here within the write-up. Thanks for sharing 317570

  3. 25413 495093As I web site possessor I believe the content matter here is rattling magnificent , appreciate it for your hard function. You must maintain it up forever! Very best of luck. 518431

Comments are closed.