PINALAKAS ng Globe ang iba’t ibang inisyatiba ng Taguig City para maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa mga residente at premier business center nito, ang Bonifacio Global City.
Ang kompanya ay nagkaloob ng mobile device kits na may load na all net call at text sa loob ng 45 araw sa Manila Naval Hospital sa Fort Bonifacio para padaliin ang komunikasyon sa front liners nito na naka-duty, pabilisin ang komunikasyon kapag may emergency at panatilihin silang updated sa kanilang mga mahal sa buhay. Nagkabit din ng GoWiFi sa ospital at sa St. Lukes BGC para sa madali, maaasahan at mabilis na internet para sa front liners, mga pasyente at kanilang mga mahal sa buhay.
Ang Manila Naval Hospital ay binigyan din ng Personal Protective Equipment (PPEs) gaya ng suits, face shields at surgical masks para mabawasan ang exposure ng kanilang health workers sa coronavirus. Nagkaloob din ng face shields sa St. Lukes BGC.
“This is our little way of showing our appreciation and gratitude to the City of Taguig which has been the home of our corporate head office. We are one with the Taguig local government in its efforts to keep its residents safe and healthy during this time of the pandemic,” wika ni Yoly Crisanto, Globe SVP for Corporate Communications and Chief Sustainability Officer.
Nakipagsanib-puwersa rin ang Globe sa Fort Bonifacio Development Foundation Inc. sa pamamahagi ng mahigit sa 4,000 relief packs na nagmula sa Entrego – Lawson sa mahihirap na komunidad sa Taguig tulad ng Brgy. Ibayo, Lower Bicutan, Katuparan, at Brgy. Ususan.
“Malaking pasasalamat ang gusto kong ipabatid sa Globe – Ayala para sa mga natanggap namin na goods, bigas, delata, at coffee. Salamat po sa Taguig LGU kasi hindi po nila kami pinapabayaan sa kabila ng pandemic na ito. Thank you,” pahayag ni said Jeamer Guerra, isa sa mga residente na nakatanggap ng relief pack.
Bukod dito, magkakaloob din ang Globe ng meals para sa Fort Bonifacio frontliners, gayundin ng thermal scanners para sa high foot traffic areas gaya ng groceries/mall areas, transport terminals, at bus stops sa Taguig para makatulong sa pagtukoy sa mga indibidwal na maaaring may sintomas ng lagnat.