GLOBE NAGBABALA LABAN SA PAGBEBENTA AT PAGGAMIT NG MGA ILIGAL NA SIGNAL BOOSTER, CELL SIGNAL BLOCKERS AT JAMMERS 

GLOBE TELECOM

GANAP na sinusuportahan ng Globe ang pagkilos ng National Telecommunications Commission (NTC)  laban sa pagbebenta ng iligal na cell broadcaster.

Ito ay isang kagamitan na inilaan para sa paghahatid ng serbisyong pangkomunikasyon sa mga nangangailangan kapag may kalamidad, emergency, o importanteng okasyon.

Kaugnay nito, pinag-iingat ng Globe ang publiko sa pagbebenta at paggamit ng mga ilegal na signal boosters o repeater, cellular signal blocker at jammers.  Ang mga ito ang nagiging dahilan ng pagbagal o pagkawala ng koneksyon, pagkakaroon ng mga dropped calls, at pagbaba ng kalidad ng voice calls kapag ginagamit ang mobile phone.

Ang mga illegal repeater ay nasa uring mga indoor o outdoor na antena na nagpapalakas sa signal ng network.  Nakukuha nito ang bandwidth na dapat sana ay mapapakinabangan ng marami kaya naaapektuhan ang mobile signal ng ibang mga customer na malapit dito.

Ang mga cell signal jammer naman ay ganap na hinaharang ang cellular signal at pinipigilan ang sinuman na magamit ang serbisyo. Kadalasan ginagamit ang mga ito sa mga lugar na pinagdarausan ng  mga konsyerto, mga malakihang seminar, at mga religious na pagtitipon para maiwasang magambala ang isinasagawang aktibidad. Ginagamit din ito sa mga high-security risk areas tulad ng National Penitentiary.

Ang hindi tamang paggamit ng signal jammer ay makakaapekto sa kritikal na serbisyo gaya ng mga rescue operations at sa mga halalan na umaasa sa mobile phones para maihatid ang boto.

Mula noong 2013, ipinagbawal na ng NTC ang pagbebenta ng mga iligal na aparato sa ilalim ng Memorandum Order Blg. 01-02-2013 o ang “Pagbabawal sa Portable Cellular Mobile Repeater at Portable Cell site Equipment”. Sa kabila nito, parami nang parami ang nag-aalok ng mga iligal na units online. Ang NTC ay nasa proseso na ng pagrerepaso para ma-update ang nasabing memorandum.

“Patuloy naming pinapalawak ang aming network para maihatid ang mabilis at maayos na connectivity sa mga Pilipino. Pero mapipigilan ang mga pagsisikap na ito kung mananatili ang paggamit ng mga iligal na aparato na nakagagambala sa pagbibigay namin ng maayos na serbisyo sa lahat,” sabi ni Manny Estrada, Globe Head of Technology and Strategy Service Integration.

Nagsasagawa ang Globe ng regular na pag-scan para sa mga iligal na repeater at jammer at ibinibigay ang mga resulta sa NTC para sa naaangkop na pagkilos. Samantala, hinihimok ng Globe ang mga customer na mag-ulat sa Globe kung may mga hinihinalang gumagamit o nagbebenta ng mga iligal na units.  Ito ay para maimbestigahan at maipatigil ang paggamit ng mga  ito sa tulong ng NTC.

“Kailangan nating maging responsable sa paggamit ng network ng komunikasyon lalo na sa mga oras na ito kung saan kinakailangan ng karamihan ang isang matatag na koneksyon,” dagdag ni Estrada.

Naglaan ng P76 bilyon ang Globe ngayong taon para sa pagpapalawak ng network sa buong bansa.  Nakapaglagay na ang Globe ng isang milyong mga linya ng fiber sa mga kabahayan. Nakapagtayo na rin ang kumpanya ng 641 mga bagong cell tower, at nakapag-upgrade ng 8,175 na mga site sa 4G LTE noong katapusan ng Hunyo.   Mayroon na rin itong nailagay na koneksyon ng 5G sa mahigit sa 1,800 na lokasyon.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals partikular ang UN SDG No. 9 tungkol sa kahalagahan ng imprastraktura at pagbabago bilang makabuluhang mga driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nangako ang Globe na isusulong ang mga prinsipyo ng United Nations Global Compact at 10 UN SDGs.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.

6 thoughts on “GLOBE NAGBABALA LABAN SA PAGBEBENTA AT PAGGAMIT NG MGA ILIGAL NA SIGNAL BOOSTER, CELL SIGNAL BLOCKERS AT JAMMERS ”

  1. 703761 412878Of course like your website but you need to check the spelling on several of your posts. Several of them are rife with spelling troubles and I discover it extremely bothersome to tell the truth nevertheless Ill undoubtedly come back once more. 168753

  2. 182485 312537Be the precise blog if you have wants to learn about this subject. You comprehend considerably its almost onerous to argue to you (not that I personally would needHaHa). You undoubtedly put a new spin for a subject thats been discussing for some time. Nice stuff, just good! 235040

Comments are closed.