GLOBE NAGTAYO NG 32 TOWERS SA QC

GLOBE

BUKOD sa agresibong network rollout sa mga lalawigan, pinalawak din ng  Globe ang kakayahan at  connectivity nito sa Quezon City.

Ang kompanya ay naglagay ng 32 bagong towers sa ilang pangunahing barangays sa Quezon City sa nakalipas na tatlong buwan.

“Quezon City remains one of the highly-urbanized cities not only in Metro Manila but also in the whole country as well. It is also where a big number of our customers are and their need for connectivity is always on the rise. Our current expansion is our way of meeting this demand and hopefully these installations will pave the way for more tower builds for the rest of the year and in the first half of 2021,” wika ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.

Ayon kay Agustin sakop ng bagong instalasyon ang malalaki at siksikang barangays sa Quezon, kabilang ang Tandang Sora, Matandang Balara, Pinyahan, Ramon Magsaysay, Santa Lucia, Balong Bato, Batasan Hills, Commonwealth, Dona Josefa, Escopa IV, Gulod, Kamuning, Loyola Heights, N.S. Amoranto at Nagkaisang Nayon.

Nagtayo rin ng towers sa North Fairview, Paltok, Quirino 2-A, San Agustin, San Isidro, Sangandaan, Santa Cruz, Santo Nino, Tatalon at sa UP Campus sa Diliman.

Ang Quezon City ang pinakamalaki at pinakamataong lungsod sa Metro Manila, gayundin sa buong bansa. May land area ito na 64.17 square miles at 142 barangays na hinati sa anim na Congressional districts. Ang Quezon City ay may hindi bababa sa  2,936,116 residente noong 2015.

Nagsagawa rin ang Globe ng upgrade sa may 635 lugar upang suportahan ang LTE capacity nito at palawakin ang coverage para matugunan ang mga pangangailangan ng mga customer nito sa lungsod.

Comments are closed.