NAITALA ng nangungunang digital solutions platform Globe ang 746 insidente ng cable theft sa unang limang buwan ng taon, na nakaapekto sa 1,600 customers na nakaranas ng connectivity issues dahil sa deliberate cable cuts.
Ang naturang bilang ay mas mababa kumpara sa 1,876 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon at sa full year total na 3,598. Subalit ito ay dahil sa pagbabawas sa umiiral na copper cable lines bilang bahagi ng paglipat ng Globe sa fiber, at sa bigkisan ng mga kable na nagpahirap sa pagputol dito. Ang copper ay isang uri ng kable na kadalasang ninanakaw at ibinebenta sa junk shops sa halagang P470 kada kilo.
“While the reported cases may have decreased, we believe one incident is one too many. Because ultimately, it’s our customers who suffer. Cable theft causes unnecessary inconvenience for our customers,” wika ni Raymond Policarpio, Vice President of Globe At Home Broadband Business.
Ang Globe ay patuloy na masigasig na nagkakampanya laban sa pagnanakaw ng kable, nakipagpartner sa law enforcement agencies at local government units upang tugunan ang problema. Kinailangan din ng Globe na maglaan ng P1.4 million para mag-reimburse sa mga subscriber na naapektuhan ng outages na dulot ng ilegal na gawain
“As we continue to work closely with law enforcers and local government units to stop these thieves, we urge our customers to be vigilant and immediately report cable theft incidents via Globe Security hotlines and [email protected],” dagdag pa ni Policarpio.
Maaaring mag-report sa Globe Security Hotline: 0917 6888545 (nationwide), 0906 3244626 (Visayas) at 09177915794 (Mindanao).
Ang Globe ay nagsagawa ng mga hakbang upang mapagbuti ang connectivity services at matugunan ang pagnanakaw ng mga kable. Patuloy nitong pinalalawak ang fiber deployment at pag-migrate ng mga customer nito mula sa fixed wireless at legacy technology magmula noong nakaraang taon. Noong 2022, ang Globe ay nagkabit ng 1.4 million fiber-to-the-home lines, at patuloy ang rollout nito ngayong taon. Ang hakbang na ito ay gumagarantiya sa access sa mabilis at maaasahang internet.
Bukod sa pagbabawas sa copper cable footprint nito, ipinakikilala rin ng Globe ang fiber cable labeling upang mapigilan ang mga magnanakaw. Nagsasagawa rin ito ng vertical clearance correction at tree-trimming initiatives upang malimitahan ang madaling access sa aerial cables.
Katuwang ang iba’t ibang stakeholders, inililipat ng Globe ang operating teams nito mula sa reactive stance sa proactive roving operations. Noong Agosto ng nakaraang taon, ang Globe ay nakipag-alyansa sa isang industry-wide initiative na tinawag na “Oplan Kontra Putol.” Ang collective effort na ito, sa pakikipagtulungan sa iba pang cable at telecom providers sa bansa, ay naglalayong itaas ang public awareness hinggil sa illegal cable cutting at disruptions na idinudulot nito sa mga pamilya at komunidad.
Pinaigting din ng Globe ang kampanya nito laban sa cable theft sa pamamagitan ng Bantay Kable Program nito, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) at local government units, tulad sa Bacolod City. Noong 2022, ang Executive Order 015 ay inisyu ni Mayor Alfredo Abelardo “Albee” Benitez upang tugunan ang talamak na pagnanakaw ng mga kable ng iba’t ibang telecommunications companies sa Bacolod City.