MAKAPAGSISIMULA na ang Globe na magtayo ng mga karagdagang cell sites makaraang makakuha ito ng 26 permits mula sa local government units (LGUs) sa ilang bahagi ng Northern at Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon sa Globe, binigyan na sila ng permit para magtayo ng cell sites sa Sto. Domingo, Agoo at Vigan sa Ilocos Sur, gayundin sa Sto. Tomas at Batangas City sa Batangas.
Sa Visayas, ang Globe ay pinayagan na ring magtayo ng cell towers sa Toledo City, Cebu habang ang network rollouts ay agad na sisimulan sa Butuan City sa Agusan Del Norte, Pagadian City sa Zamboanga del Sur at Cagayan De Oro City sa Misamis Oriental, pawang sa Mindanao.
“We are very grateful for the support being given by these local government units. As we have
pointed out many times in the past, Globe is an ally of LGUs, especially during this time of the pandemic, as they look for ways to better serve their constituents in the new normal. More importantly, our network expansion will only push through as long as our partnership with them continues to remain strong and will be of great benefit to the public in general,” wika ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Development, Network Technical Group.
Bukod sa permits, nagpasalamat din ang Globe sa mga ulat na inalis na ng 25 LGUs ang pangangailangan para sa Sanggunian Bayan resolution upang payagan ang telcos na palawakin ang kanilang network sa kanilang mga lugar. Kinabibilangan ito ng Magalang sa Pampanga; Bayombong, Nueva Vizcaya; Cabanatuan at Nampicuan sa Nueva Ecija; Santa Maria at San Mateo sa Bulacan; Cauayan, Luna, Cabatuan at Ilagan sa Isabela; San Jose, Tarlac; Sto. Tomas, Cuenca, Lipa, Taal at San Jose sa Batangas; Las Pinas; Morong, Baras, Perez, Tanay at Cardona sa Rizal; at Ozamiz City sa Misamis Occidental.
Ang Sangguniang Bayan resolution ay kabilang sa dating ipinag-uutos na 29 permits na kailangan ng telcos para makapagtayo ng isang cell site.
Kinikilala ng Globe ang pagsisikap ng mga LGU na ito na pabilisin ang pag-iisyu ng permits at putulin ang red tape para sa pagtatayo ng mga karagdagang cell site at cell tower para sa connectivity.
Comments are closed.