GLOBE NAKIISA SA UN SA PAGKILALA SA KONTRIBUSYON NG MSMEs SA EKONOMIYA

GLOBE TELECOM

NAKIISA ang Globe Telecom sa United Nations sa pagbibigay-pugay sa mahalagang papel na ginagampanan ng micro, small and medium-sized (MSME) enterprises sa pagkakaloob ng disenteng trabaho at sa paglago ng ekonomiya, gayundin sa investments sa industriya, inobasyon at imprastruktura na kabilang sa 17 Sustainable Development Goals (SDGs) na sinusuportahan ng UN.

Idineklara ng UN ang June 27 bilang MSME Day at kaugnay sa selebrasyon, inilunsad ng Globe myBusiness ang Saludo SME campaign na layong bigyang-pugay ang pagkahilig  at mga tagumpay ng naturang mga negosyo, ang kanilang kontribusyon sa bansa, at ang kanilang katatagan sa gitna ng kasalukuyang krisis.

“Within the Ayala Group, we are working with a huge ecosystem of MSMEs. They deserve our attention especially at a time like this because they are absolutely critical elements of any economy. They are very vital to our success as an institution and we won’t be here today without the kind of support that the MSME community gives us,” pahayag ni Jaime Augusto Zobel de Ayala, Globe Chairman at Ayala Corporation Chairman and CEO sa pagbubukas ng Saludo SME’s Online Business Consultation Caravan.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 250,000 MSMEs ang nakapalibot sa ecosystem ng Ayala Group. Ang MSMEs ay bumubuo rin sa 99.5% ng lahat ng registered businesses sa bansa,  63% ng total employment at  35% ng Gross Domestic Product.

Bilang kapalit, sinabi ni Zobel na nais ng Globe na tumulong sa pagtugon sa pain points ng MSMEs sa Filipinas sa pamamagitan ng mentorship, online classes, masterclass training, tips at advice mula sa industry experts,  business matching at co-marketing opportunities.

“Let me just assure you that Globe is here if you need support. We have to be united at a time like this.  We have to help each other and we have to be a unit as we move forward.  Then I have no doubt that we can go out of this successfully, healthily, and in a way that creates value to everyone,” sabi niya sa mga entrepreneur.

Samantala, sinabi ni Globe President and CEO Ernest Cu na nais din ng kompanya na makita ang pagbabagong-anyo at pag-angkop sa bagong realidad ng MSMEs. Tinitingnan ng Globe ang mga kasanayan at digital innovations tulad ng cloud na maaaring gamitin sa SMEs sa isang ‘very cost-effective manner’

“I think the cloud has truly democratized technology because it enables SMEs to use the same platforms  and the same systems that large enterprises use without the necessary need for capital expenditures. Subscription services are also available now so they can, for instance, store huge files without owning a humongous data center,” ani Cu.

Ang Globe ay tumutulong din sa MSMEs sa pamamagitan ng Globe myBusiness na nagpapatakbo sa Saludo SME:  Para sa Bagong Bukas campaign hanggang sa katapusan ng Hulyo. Kinabibilangan ito ng online business consultation caravan na serye ng online learning sessions na layong tulungan ang MSMEs na makahanap ng mga bagong paraan ng pagnenegosyo sa ilalim ng kasalukuyang sitwasyon.

Ang caravan ay mayroon ding one-on-one consultations sa industry experts sa kung paano maipagpapatuloy ng MSMEs ang kanilang mga negosyo sa kabila ng mga hamong kanilang kinakaharap.

Para sa karagdagang impormasyon sa Saludo SME, bumisita sa https://mybusinessacademy.ph/.

Comments are closed.