PATULOY ang Globe sa pagkakaloob ng high quality connectivity sa mas maraming lugar sa labas ng Metro Manila sa pamamagitan ng formal partnership sa Municipality of Mangaldan, Pangasinan.
Ang Mangaldan ay isang first-class municipality na kinabibilangan ng 30 barangays at lumolobong populasyon na mahigit sa 100,000. Sa pakikipagpartner sa local government nito, hangad ng Globe na mapagkalooban ang mga residente ng free, high quality connectivity mula sa GoWiFi services ng kompanya.
Ang partnership ay sinelyuhan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement na nilagdaan kamakailan sa Mangaldan Municipal Hall. Ang seremonya ay pinangunahan ni Janis Racpan, Director of Business Development and Marketing – Digital Solutions Group at Globe, kasama si Marilyn Lambino, Municipal Mayor ng Mangaldan, Pangasinan.
Ang GoWiFi services ay magagamit sa mga piling public locations tulad ng Mangaldan Municipal Hall at Mangaldan Plaza, at madaragdagan pa ito ng mga lokasyon sa komunidad at iba pang munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan sa mga susunod na taon.
Sa pamamagitan ng sinelyuhang partnership, ang Mangaldan ay bahagi na ngayon ng 2,700 GoWiFi hotspots sa buong bansa.
Isa rin ito sa mga pinakabagong komunidad sa Northern frontier ng bansa, kasama ang lalawigan ng Ilocos Norte, na mabibiyayaan ng free high quality connectivity. Ang free WiFi service provider ay patuloy sa expansion plans nito sa buong bansa, partikular sa high-traffic areas tulad ng mga eskuwelahan, mall at ospital upang maging accessible sa mas maraming Filipino ang high-quality internet connection.
Ang GoWiFi services ay available sa regular (free) GoWiFi at premium (paid) GoWiFi Auto, kapwa sa lahat ng users na may anumang WiFi-enabled device anuman ang network service provider. Para makakonekta sa Free GoWiFi, buksan lamang ang WiFi settings ng Wi-Fi-enabled device, kumonekta sa SSID “@FreeGoWiFi” o “@<site>_FreeGoWiFi”, ma-grehistro at hintayin ang SMS verification code, pagkatapos ay pumili ng WiFi offer, kumpirmahin at simulan ang surfing.
Comments are closed.