PATULOY na sinusuportahan ng mobile leader Globe ang government-led SIM registration assistance, kung saan nag-deploy ito ng booths sa 15 pang lugar sa bansa ngayong linggo.
Bahagi ito ng pagsisikap ng Globe na maabot ang mas maraming customers para makapagparehistro hanggang April 26, 2023 deadline. Ang SIM registration ay bukas sa lahat, lalo na sa senior citizens, persons with disabilities (PWDs), basic/feature phone users, at yaong mga walang access sa internet.
Kung kailangan ninyo ng tulong para irehisto ang inyong SIM, ang assistance booths ng Globe ay nasa mga sumusunod na lugar:
February 8
● Magpet, Cotabato (Municipal Gym)
February 9
● Bauang, La Union (People’s Hall, MSWD Office)
● Echague, Isabela (Evacuation Center, Municipal Compound, Brgy. San Fabian)
● San Simon, Pampanga (Municipal Covered Court)
● Agoncillo, Batangas (Agoncillo Municipal Covered Court)
● Libmanan, Camarines Sur (Libmanan Sports Complex)
● Abuyog, Leyte (Brgy. Nalibunan Covered Court)
● Salay, Misamis Oriental (Senator Ernesto Herrera Gymnasium, Brgy. Poblacion)
● La Paz, Agusan del Sur (Municipal Gym, Poblacion)
● Bauko, Mountain Province (Municipal Open Court, Brgy. Abatan)
February 10
● Pandan, Antique (Pandan Sports Complex)
● Bogo City, Cebu (City Sports Complex, Don Celestino Martines Sr. Sports & Cultural Center (Complex), Brgy. Taytayan)
● Padada, Davao del Sur (ABC Covered Court)
Ang assisted SIM Registration ay naunang isinagawa sa Colegio de Naujan Gymnasium sa Brgy. Santiago, Naujan, Oriental Mindoro noong Martes, February 7.
“We are committed to ensuring that every customer can access SIM registration support whether they prefer to do it online or offline. We’re working hand-in-hand with the government to provide on-ground assistance in areas where our customers need us most,” sabi ni Cleo Santos, head ng Channel Management Group ng Glone.
Sa pagbisita sa mga booth, ang mga customer ay hinihikayat na ihanda ang mga kinakailangang impormasyon tulad ng full name, date of birth, sex, address, government ID with photo, at mobile number
Nauna nang sinuportahan ng Globe ang unang dalawang rounds ng government-led SIM registration at sinimulang ilatag ang sarili nitong SIM registration desks. Ang online SIM registration platform nito, https://new.globe.com.ph/simreg, ay available 24/7 upang magkaloob ng mas malaking kaginhawaan at exclusive offers. Nakatakda rin nitong buksan ang GlobeOne app para sa SIM registration.
Hanggang February 7, ang Globe ay nakapagtala na ng mahigit 12 million registered prepaid SIMs.