SA LGUs, PULISYA SA MGA LUGAR NA TALAMAK ANG NAKAWAN NG KABLE
UPANG maprotektahan ang mga customer at matiyak ang tuloy-tuloy na internet connectivity, pinaigting ng Globe ang pakikipagtulungan nito sa local government units at pulisya sa mga lugar na talamak ang nakawan ng kable.
Kaugnay ito sa pagsisikap ng Globe na ipagpatuloy ang pagsugpo sa krimen, na malaki na ang ibinaba ng mga kaso, mula 1,876 na naitala mula January hanggang May 2022 ay naging 746 sa kaparehong panahon ngayong taon — bumaba ng 60%, base sa datos ng Globe.
Ang Globe ay mahigpit na nakikipag-ugnayan sa local authorities sa mga lugar na binabantayan, tulad ng Cebu City, na may 498 kaso; Quezon City, na may 171 kaso (Project 8, 103, Novaliches, 68); Manila, na may 161 insidente; Mandaue City, Cebu, na may 118; Valenzuela City, 73; Malabon, 67; Pasig City, 64; at Liloan at Consolacion, Cebu, na may tig- 62 kaso.
“Cable theft is a criminal act punishable by law. We work together with authorities and communities to combat this illegal activity to ensure undisrupted service. With consistently available connectivity, we will be able to support our customers in education, work and livelihood, and provide critical communication services in case of disasters and other emergencies,” sabi ni Raymond Policarpio, Vice President of Globe At Home Broadband Business.
“As part of its proactive approach to addressing cable theft, Globe continuously collaborates with our partner local government units and local law enforcement agencies so that together, we can bring a holistic solution to this problem. We look forward to stronger cooperation with our partners to bring cable theft numbers further down,” wika ni Patrick Gloria, Vice President for External Affairs.
Bukod sa pagnanakaw ng kable, ang Globe ay patuloy ring nakapagtatala ng insidente ng mga nakaw na assets sa iba’t ibang pasilidad. Sa first half ng taon, ang Globe ay nagtala ng 1,545 insidente, kabilang ang pagnanakaw ng mga baterya, fuel at iba pang electronics at facility hardware. Dahil sa mga insidenteng ito, ang Globe ay nakapagtala ng 207 outages hanggang May 2023 sa 124 lugar.
Pinaigting ng Globe ang kampanya nito laban sa cable theft sa pamamagitan ng Bantay Kable Program nito, kasama ang PNP at LGUs, sa nakalipas na ilang taon.
Noong August 2022, ang Globe ay nakiisa sa isang industry-wide initiative na tinawag na “Oplan Kontra Putol” upang maipaalam sa publiko ang hinggil sa illegal cable cutting kasama ang iba pang cable at telecom providers sa bansa. Nanawagan din ang grupo sa mga awtoridad na ipatupad ang Republic Act No. 10515, o ang Cable Theft Act, na ginawang krimen ang intentional cable cutting.
Upang hindi mahikayat ang mga tao na magnakaw ng copper wires, pinapalitan ng kompanya ang copper wires ng Fiber na tinitiyak ang access sa mabilis at maaasahang internet. Hindi tulad ng copper, ang fiber optic cables ay walang resale value at hindi tinatanggap sa junk shops.
Maaaring i-report ng publiko ang mga insidente ng pagnanakaw ng kable sa Globe Security Hotline: 0917 6888545 (nationwide), 0906 3244626 (Visayas) at 09177915794 (Mindanao), at sa PNP hotline 911, na accessible kapwa sa landline at mobile.