GLOBE PINALAKAS PA ANG DIGITAL INFRA NG PH, NAGTAYO NG 833 BAGONG CELL SITES

PATULOY na pinalalakas ng Globe ang digital infrastructure ng bansa sa pagtatayo ng 833 bagong cell sites at pag-upgrade ng 5,395 mobile sites sa LTE sa unang siyam na buwan ng taon.

Ang inisyatibo ay naglalayong matiyak ang maaasahang connectivity at malawak na coverage sa buong bansa.

Ang masigasig na pagsisikap ng kompanya sa pagtatayo ng network ay mahalaga sa paghahatid ng mas mahusay na customer experience, na nagkakaloob sa maraming Pilipino ng access sa high-speed internet.

Ang dedikasyong ito na pagbutihin ang kanilang serbisyo ay kinilala sa pamamagitan ng prestihiyosong parangal na “Most Consistent Fixed Broadband Provider” sa 33 bayan at lungsod, kasama ang dalawang probinsya para sa third quarter ng 2023, ayon sa Ookla® Speedtest Intelligence® data.

Ang parangal ay dumating matapos ang kapuri-puring performance ng Globe sa naunang quarter, kung saan nanguna ito sa 31 lokasyon.

Bukod dito, iniulat ng Globe ang kapansin-pansing pagbilis kapwa sa download at upload speeds sa 19 strategic locations sa third quarter ng taon.

“As we strengthen our infrastructure with new cell sites and LTE upgrades, we’re helping accelerate digitalization. Our relentless builds are a clear indication of our dedication to service excellence. At Globe, we believe in harnessing technology to create opportunities and drive inclusive growth, empowering communities across the Philippines to reach their full potential,” sabi ni Beck Eclipse, Globe’s Chief Customer Experience Officer.

Kasalukuyang pinaiigting ng Globe ang paggamit ng existing fiber inventory nito, na nakahanay sa reduced capital expenditure (CAPEX) ng kasalukuyang taon.

Kaugnay ito sa commitment ng Globe sa United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), partikular ang SDG No. 9, na nagtutulak sa inobasyon at imprastruktura bilang tagapagsulong ng inclusive economic growth.

Ang digital solutions platform ay gumastos ng ₱54 billion na CAPEX hanggang September 2023, kung saan 91% ang inilaan para tugunan ang data needs, na titiyak sa patuloy na access sa premier digital solutions at connectivity.