GLOBE PINALAWAK ANG 5G COVERAGE SA 17 LUNGSOD SA NCR, VISAYAS, MINDANAO

GLOBE 5G

BILANG pagtupad sa pangakong dadalhin ang pinakabagong teknolohiya sa iba pang bahagi ng bansa, pinalawak ng Globe ang 5G coverage nito sa 17 key cities sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Minamadali ng Globe ang upgrades ng existing technology nito upang lalo pang mapaghusay ang connectivity, mobile experience, at mabuksan ang malaking potensiyal para sa customers nito sa paglalatag ng 5G technology sa Bacolod, Boracay, Iloilo, Talisay, Lapu-Lapu, Cordova, Minglanilla, at Cebu City sa Visayas; at sa Davao City at Cagayan De Oro sa Mindanao.

Sa unang linggo ng Nobyembre, ang 5G network nito ay umabot na sa ilang lugar sa Davao City. Ang mga Globe customer ay hinihikayat na kumuha ng kanilang 5G capable mobile devices via postpaid plans sa  Globe online store (shop.globe.com.ph) o sa Globe stores sa Davao City nang sa gayon ay maranasan nila ang jaw-dropping speeds at iba pang  potensiyal ng 5G.

Ang 5G ang pinakabagong wireless internet connectivity na magkakaloob ng mas mabilis na speeds, mas mataas na bandwidth, at mas matatag na internet connections kumpara sa 4G.

“We have a very active 5G development in Metro Manila and we hope to cover 80% of that soon. We are probably in the two-thirds range right now. To complement this, we have also begun to roll out in six key cities in Visayas and Mindanao as part of the overall change we are making to bring 5G to more places and customers in the country,” pahayag ni Gil Genio, Globe’s Chief Technology and Information Officer.

Sa Metro Manila, ang Globe ay naglagay ng mga karagdagang sites upang mapalawak ang total areas nito na may 5G availability, kung saan target nito na ma-cover ang 80 percent ng Metro Manila sa katapusan ng 2020.

Ang pagiging masigasig ng Globe sa 5G rollout ay bahagi ng 3-pronged strategy nito para sa network upgrades at expansion, na kinabibilangan ng agresibong pagtatayo ng cell sites; pag-upgrade sa cell sites nito sa 4G/LTE gamit ang iba’t ibang different frequencies; at pagpapabilis sa fiberization ng Filipino homes sa buong bansa.

Comments are closed.