GLOBE SA LGUs: MAMUHUNAN SA E-COMMERCE, CASHLESS PAYMENTS

GLOBE TELECOM

SA pagharap sa ‘new normal’, hinikayat ng Globe ang local government units (LGUs) na palakasin ang kanilang e-commerce para sa kaginhawaan at kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan at upang tulungan ang SMEs sa kanilang online business.

Sa idinaos na Liveable Cities Challenge (LCC) Webinar Series: E-Commerce in the New Normal, sinabi ni Frances Caluya, Globe Industry Marketing Manager for Hotels, Restaurants and Cafes, Globe MyBusiness, na itinulak ng pandemya ang mga consumer na labis na umasa sa online purchases at services.

Sa pinakahuling statistics ay lumitaw na dahil sa COVID-19, 23% ng populasyon ng Filipinas ay gumugugol ng mas maraming oras sa pamimili online.

Ayon kay Caluya, panahon na para i-maximize ng LGUs ang e-commerce, para matulungan ang kanilang mga constituent at suportahan ang SMEs sa pamamagitan ng pagtiyak na nariyan ang connectivity at access sa internet.

“Now is the right time to invest in electronic commerce (e-commerce) in the Philippines. We should harness the power of the internet because selling online now means reaching more people. And reaching more people, without the risks of the old ways in selling products or services, means more opportunities for SMEs to grow and thrive,” paliwanag ni Caluya.

Idinagdag ni Caluya na mas marami pang establisimiyento at retail shops ang gumagamit ngayon ng internet upang magbenta at malagpasan ang paghina ng ekonomiya dahil sa pandemya.

Ang demand para sa online services ay tumaas. Nasa  91% ng online Filipinos ang bumisita sa isang online retail store. Sa naturang bilang,  71% and bumili ng produkto  online.

Bago ang pandemya, 2% lamang ng SMEs sa bansa ang nagbenta online. Sa buong mundo, ang e-commerce sales ay inaasahang tataas mula $1Bnoong 2019 sa $5-6B pagsapit ng 2025.

Kinilala rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang biglang pagdami ng mga aktibidad sa e-commerce sa bansa.  Nagpasalamat si DTI Asec. Jean Pacheco sa mga naiambag ng Globe at GCash para magkaroon ito ng katuparan, lalo na’t ang ekonomiya ay kabilang sa maraming sektor na hinambalos ng pandemya.

“E-commerce is here to increase accessibility. You don’t have to be physically present and you can do business with anyone, anywhere at any time to sell your products. Even if you are outside the Philippines,” sabi pa ni Pacheco.

Tiniyak ni Pacheco ang layunin ng pamahalaan at ng DTI na isulong ang e-commerce upang mas maraming merchants at small-medium enterprises ang magsamantala sa bagong teknolohiya, lalo na sa panahon ng pandemya.

Sinabi ni Justin Yap, head ng Acquisition for Non-Traditional Merchants ng GCash, na maaaring mapagbuti ng LGUs ang kanilang serbisyo sa maraming paraan sa paggamit ng GCash app. Tinukoy niya ang halimbawa ng hamon na ipinapataw ng physical distancing.

“By using the app, people can register their businesses through their mobile phone  in just a matter of 8 minutes instead of waiting in line and run the risk of contracting the disease. It is not only a platform but a way for business and the LGUs to rethink their current approach in handling their needs. How will they pivot to the new normal?,” ani Yap.

Ang GCash ang nangungunang e-Wallet provider sa Filipinas na may hindi bababa sa 23 million customers at 75,000 QR merchants. Libre ang pag-download. Bukod sa madali ang pagnenegosyo, ang paggamit ng GCash ay nagsusulong din ng transparency at nakababawas ng  red tape at korupsiyon sa  LGUs sa pakikitungo sa kanilang mga constituent.

Mainam na paraan din ito upang makaiwas na mahawaan ng COVID-19 dahil hindi na kailangang hawakan ng isang user ang  paper bills na maaaring nakontamina ng nakamamatay na virus.

Sa kanyang panig ay kinilala ni Paco Magsaysay, CEO ng Carmen’s Best, ang tulong ng Globe at GCash para bigyang-daan ang pagnenegosyo online kung saan maging ang mga ordinaryong negosyante ay nagkakaroon ng tsansa sa panahong ito ng pandemya.

“We are lucky that there are a lot of options ongoing on the e-Commerce platform. We have chosen to work with 0917 Ventures of Globe to help us set up our e-Store or e-Commerce store. The great thing about it is it ties in logistics for our e-Store with Globe. For the ice cream business, logistics is very critical because our products have to be frozen all the time,” sabi ni Magsaysay.

Nagsilbing host at moderator si Bill Luz, chair ng Liveable Cities Challenge, ang ikalawang session ng eight-part LCC Webinar Series ay nilahukan ng halos 400 attendees, kabilang ang 14 mayors, isang vice governor at mga kinatawan ng 66 lungsod at bayan sa buong bansa.

Ang susunod na session ng LCC Liveable Cities Labs Webinar ay tinawag na ‘Digital Transformation in a Post GCQ World: Building Healthy Cities’ ay nakatakda sa Miyerkoles, Agosto 19, alas-3 hanggang alas-5 ng hapon.

Comments are closed.