GLOBE SINIMULAN NANG I-BLOCK ANG TEXT MESSAGES NA MAY CLICKABLE LINKS

GLOBE - Global Rising Star

SINIMULAN nang i-block ng Globe ang lahat ng text messages mula sa prepaid at postpaid number na naglalaman ng URLs o website links upang masugpo ang spam at scam messages.

Ang hakbang ng Globe ay sa gitna ng kumakalat na scam at spam messages, kabilang ang SMS mula sa unknown numbers na naglalaman ng kumpletong pangalan ng customers.

“Before implementing this measure, what we were doing was blocking access to malicious links in text messages to help protect customers. This time around, we’re blocking the actual message. If the SMS has a link of any kind, we are not going to deliver it, period. This is necessary to protect our customers,” pahayag ni Globe Chief Information Security Officer Anton Bonifacio.

Ayon sa nangungunang digital solutions platform, ang pag-block sa SMS ay isasagawa habang hinihintay ang pagpapatupad ng SIM Registration Bill, na niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso noong September 28, at naisumite na sa Pangulo para lagdaan.

Naniniwala ang Globe na ang hakbang ay mahalaga para mapalakas ang kapasidad ng pamahalaan na madakip ang cybercriminals at iba pang nang-aabuso sa digital technology. Bibigyang kapangyarihan din nito ang telcos na proteksiyunan ang kanilang protecting sistema at customers mula sa fraudulent activity.

“We are taking this measure for the security of our 92 million customers at Globe and 66 million more using GCash as we note how the modus operandi of fraudsters are becoming even more sophisticated. We hope this will make a major dent on various spam and scam SMS rackets,” sabi ni Bonifacio.

“This major step reflects our commitment to the country’s economic recovery by ensuring that the accelerated digital adoption does not expose customers to worsening cyberthreats,” dagdag pa niya.

Pinalalakas ng Globe ang pagsisikap nito kontra scam at spam messages, kung saan na-block ng kompanya ang 784 million scam at spam messages mula January hanggang katapusan ng July ngayong taon.

Sa pamamagitan ng 24/7 Security Operations Center, dineactivate din ng Globe ang ma 14,058 scam-linked mobile numbers at na-blacklist ang 8,973 iba sa loob ng kaparehong panahon.